Wednesday, May 1, 2013

Flashback

New month means new issues of our favorite magazines. Let's see kung sinu-sino ang bonggang cover boys and girls ngayong Mayo...

The beauty queen power of Venus, Shamcey and Janine for Preview. High fashion kung high fashion! Ang init sa mata ng concept. Pagpapawisan ka sa hotness ng tatlo. For me, si Janine ang wagi kung maka-emote. Ayaw pakavogue ng cheekbones at pouty leps niya.

Hooongkinis ni Ryza Cenon para sa FHM. Kainggit ang flawless skin niya na kumikintab pa. Ma-achib kaya natin 'yan kung simpleng baby oil lang ang ipapahid natin?

Nang makita ko sa balita ang cover photo ni Heart Evangelista para sa Esquire wearing only sando and panty, biglang nag-flashback sa akin ang sinabi niya dati na 'di siya magpo-pose sa FHM dahil sa seksing konsepto nito. Oh well, malaki ang pagkaka-iba ng dalawang babasahin kaya siguro napapayag siya ng Esquire. Pero knowsline naman natin kung sino jowa-ers niya. Eto ba ang way ni ateng sa pangangampanya?

Yumming yummy si fafah Enrique Gil sa cover ng Garage wearing animalistic muscle shirt at camouflage shorts. Perfect outfit sa tag-init. Pero tanong lang... mas prefer niyo ba sa lalaki ang may buhok sa kili-kili o mas masarap ang hairless? Ako... all of the above!

Umimported naman tayo. Hindi ko kilala 'tong si Jason Collins pero saludo ako sa kanyang paglaladlad kahit na NBA superstar siya. Aba, napakahirap mamukadkad lalo na kung ang ginagalawan mong industriya eh todong dinodomina ng mga straight.

Pang-huli ang June 2013 issue ng GT UK. Sa ibang bansa kasi, mas maaga lumabas ang mga magazine. Water-water akez sa pagdaklot niya kay 'kaligayahan' at puro muscles kahit saan ka tumingin. Nako ha! Ang swerti ng mga shupatemba natin na nakatikim na kay fafah Duncan James. Inggit me!

1 comment:

Mad Queer X said...

Duncan James is 35 yet he's yummy.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...