Thursday, May 30, 2013

Gigantic

Last Monday (May 27) eh nagkaroon ng company swimming sa Splash Island ang kumpanyang kinakayuran ko. Libre lahat. Ang kelangan lang eh sumama at magdala ng swemsut. Wit sana akez sasama pero dahil baguhan sa trabaho, hala bira na. Alas-nueve ng umaga ang usapan pero mag a-alas diez na nakaalis ang bus. Wala pang isang oras ang byahe dahil walang trapik. Inuna namin ang magpalit nang mas preskong suotin at nagpapakitang gilas si haring araw. Ilang araw na lang kasi siya sa trono kaya tinotodo na niya. Laps muna ng tanghalian bago maglunoy sa tubig. Jampacked ang lugar kahit unang araw ng linggo. Sinusulit ng mga nanay, tatay at mga bagets bago magpasukan sa susunod na buwan.

(Harap) Elle, Moco, Bb. Melanie at Dhess
(Likod) Mike at Rick
Una naming sinubukang ang Rio Montanosa at todo ang kaba ko. Feeling ko tataob 'yung sinakyan namin pababa. Nakakakaba pa kung makatili 'tong si Dhess kaya kulay coupon bond ang fes ko sa takot. Habang naghahagilap ng ibang masusubukan, tinawag ako ng isang TL dahil isasali daw ako ng manager namin sa beauty pageant ng company. Waley na yatang maisip na ibang activity kaya instant pageant ang inorganiza. Tumanggi ako pero walang choice. Nahatak na ako eh. Naghagilap kami ng mga kasama ko ng masusuot pati ng muk-ap. Buti na lang at may extrang bra si Dhess. Gigantic nga lang dahil 42G yata ang cup size niya. Pwede na kesa wala. Hiniram ko ang net balabal ni Eugene at si Moco ang nag-provide ng pantapal sa fes.

Busy sa pagguhit ng eyeliner sa mata. Walang kiyeme kahit lagpas lagpas basta may pintura ang fes.
Excited na ang crowd!
Escort ko. Masarap 'yan mga 'teh at very friendly sa tulad natin. Pero wala akong malisya sa kanya... promise.
But as they say, promises are made to be broken ahahaha!
Rampa ba ang gusto niyo? Eto ibibigay ko.
'Wag niyo na lang pansinin ang mabalahibong binti. Kunwari wala kayong nakita.
May talent portion daw. In 5 minutes mag-isip ng talent. Wala akong maisip. Buti na lang background music ang Gentleman ni Psy. 'Yun na lang! Salamat kay Eugene at sinamahan ako. Tunay na kaibigan!
Ang apat na mapalad. Nagkakagulo mga paparazzi sa pagkuha ng fecture! CHOS! Pero sa bawat laban, laging may nangingibabaw. At siya ang nakapag-uwi ng bonggang tatlong libong jackpot...

Sayang! Panglalaki na, naging bato pa. Enjoy naman akez sa una kong karanasan bilang contestant. Kahit joke lang siya, parang bet ko nang karirin maging kontesera. Magpapaseksi muna ako ng husto para Janine Tugonon level ang  byuti.

3 comments:

Anonymous said...

Bb Melanie,

Ano to teh? Kontesera ka na! Hahahaha. Tara isali kita sa Miss Gay Capipiza! Sa Tanza cavite yun! ;)

Olga Luxuria

Melanie said...

Teh Olga, BET KO 'YAN! Ipon muna ako ulit ng lakas ng loob at tapang ng fes. Naubos nung Lunes eh ahahaha!

ZaiZai said...

sayang namana te, mas bongga ka pa naman sa winner! pero keri na at last may experience :) ang saya, winner ang pageant look mo :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...