Saturday, August 31, 2013

'Sanglibo (part 4)

Masunurin naman akez kaya paglabas ko ng hospital vicinity eh tumawid ako at pumasok sa isang bukas na gate. Kulay berde ang dalawang palapag na building. May kalumaan na at parang walang utaw. Baka naman hindi dito pero eto mismo 'yung tapat ng San Lazaro. Mga bahay na sa tabi eh. Dumerecho ako sa dulo ng garahe at may nakitang mujer at ohms na masinsinang nag-uusap.

"Dito po ba nagpapa-HIV testing?"

"Akyat ka sa second floor. Unang kwarto sa kaliwa" sabi ni ateng.

Umakyat ako sa hagdan na gawa sa kahoy. It reminds me of a public elementary school building. May kwadradong salamin sa pinto. Sumilip ako. May isang lalaki na busy sa pagsusulat. Napansin niya ang byuti ko at sumenyas na ako'y pumasok.

"Upo ka muna. Sandali lang at tatapusin ko lang 'to."

Umupo naman ako sa monobloc sa tapat ng mesa niya. Hindi akez mapakali dahil sa kaba kaya tumayo muna me at inusyoso ang mga poster sa paligid. Iba't ibang klase ng sakit sa keps at notey. Shakira akez dahil uncensored itich. Nakakadiri tingnan ang namumuong puti puti sa singit, itlog at puday. Mas lalong tumindi ang emosyon na nararamdaman ko. Nakapanghihina. Bumukas ang pinto saka pumasok 'yung dalawang tao na nakita ko sa baba. Umupo si ate sa likod ng mas malaking lamesa at pumwesto naman si ohms malapit sa pinto.

"Aware ka ba tungkol sa HIV-AIDS?"

"Opo. Fully aware po ako" pagmamaganda ko.

Ayan, natapos na siya sa pagsusulat at pinaupo ako ulit sa tapat niya. Siya si Alvin, isang counselor sa mga gustong magpa-HIV testing sa Manila Social Hygiene Clinic. So dito pala ako napunta. Saka ko lang naalala na ni hindi ko man lang tiningnan kung may signage kanina sa labas. Basta na lang ako pumasok. AMP!

Pina-fill-up-an niya sa akin ang consent form mula sa DOH.

"Okay lang ba na andito sila habang nagtatanong ako?"

"Keri lang. Walang problema."

Eh parang nahiya 'yung dalawa kaya kusa na silang lumabas. Inumpisahan na niya ang pagtatanong at pumokus sa sexual activities ko. Kung dun sa doktor eh rated PG ang version ko, dito kay kuya na ateng din pala eh triple XXX ang pagkakakwento ko. Hindi kakayanin ng MTRCB ang bunganga ko.

Akala ko marami na akong alam tungkol sa sakit na ito na karamihan ay kalahi natin ang biktima pero 'di pala. Masyado akong nagmaganda kanina. CHOS! I've learned new information from our discussion. Isa dito ang pagtsupa ng walang kapote. OMG!

Matapos ang balitaktakan, kumuha siya ng papel at sinulatan. Bumaba daw ako sa first floor at dalhin sa lab room kung saan ako kukunan ng dugo.

Itutuloy...

7 comments:

Anonymous said...

Bb. Melanie, binitin mo na naman akels! :( Hahahaha!

-KP

nekui-demigod said...

OMG what happen next?

Anonymous said...

ateng melanie pakishare mo naman ang mga nalaman mo tungkol sa HIV. na-curious ako sa "pagchupa ng walang kapote" pa-virgin effect lang hihihi pero share mo naman ateng. thanks

Anonymous said...

Bb Melanie,

Nag backtrack ako. Hinanap ko ang Part 1 at duon nagsimula hanggang sa mapunta dito sa Part 4.

Cant wait for the next Parts. Love you teh!

Love,
Olga Luxuria

Melanie said...

-Teh KP, ilang parts na lang at matatapos na ang nobela ko na dadaig sa Twilight series ahahaha!

-Teh nekui-demigod, malapit na ang big revelation. AVANGAN!

-Teh Anonymous August 31, 2013 at 8:32 PM, risky kapag bumooking ng walang condom lalo na kung may sugat ka sa loob ng bibig o may sirang ipen. Kapag accidentally mong na-swallow ang pre-cum ng taong infected, posibleng mahawaan ka niya.

-Teh Olga, salamat sa pagsubaybay. Mwah mwah!

Anonymous said...

ateng hindi masarap pag nag-bbj ka na may condom -_- eeww no! hahahahahahahahahaha

juddtorres said...

Sana okay naman ang resulta teh Melanie. Wala sanang masamang kemmes.
Love love your blog!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...