Monday, August 19, 2013

Senyales

Miss World Philippines 2013 winners
Courtesy of OMPB Worldwide
HUNG-GUH-GUN-DUH ng mga winerva sa Miss World Philippines 2013 na ginanap kagabi sa Solaire Resort and Casino. Si Megan Young ang ikatlong kinoronahan ni ma'am Cory Quirino at ipapadala sa Miss World 2013 sa Indonesia. Third time din na may lahing banyaga ang nanalo (French-Pinay si Gwendoline at Pakistani-Pinay si Queneerich). First princess ang morena byuti ni Janicel Lubina, sunod si Zahra Bianca Saldua. Si Ma. Paula Bianca Paz ang third princess at nasa panglimang pwesto naman si Omarie Linn Osuna.

Fevorit ko ang swimsuit portion na Fila ang umisponsor. Very sporty ang arrive. Pabonggahan naman ang mga Pinoy designers pagdating sa evening gown competition. Ang gagara ng mga detalye at disenyo. Pang-international pageant ang quality. Bet ko rin ang stage na ang liwa-liwanag. Todong lumutang ang iba't ibang ganda ng Filipina.

Senyales ba ang asul na gown ni Megan na siyang teterno sa kulay ng korona ng Miss World? Siya na kaya ang papalarin sa September 28? 'Yan ang ating ipanalangin mga 'teh

2 comments:

Anonymous said...

teh nka blue din ata c quennie rehman last yr sa ms world phil..not sure...

Anonymous said...

sna nga cia n teh
-tagamasid pampurok-

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...