Monday, August 5, 2013

Unqueenly

Nakakasama ng loob ang ginawa ng Kapamilya Network sa idol kong si Juday. Agad-agad nilang tinapos ang Huwag Ka Lang Mawawala kahit consistent na mataas ang ratings nationwide at bongga sa dami ng ads. Sayang kasi napakaganda at kakaiba ang istorya nito. Una, nilagay nila ito sa timeslot after Juan Dela Cruz. Inurong nila nang matapos ang Apoy sa Dagat para pagbigyan ang pinagpalit-na-anak concept ng Muling Buksan Ang Puso.

Huwag Ka Lang Mawawala cast
Ayon sa chika, 'di pa daw dapat matatapos 'to pero dahil balak isingit ang Got To Believe ng KathNiel loveteam, iuurong na naman bilang pinakahuling Pinoy serye sa Primetime Bida. 'Di pumayag ang reyna at sinabing tapusin na lang kesa malipat na naman ng oras.

HANUBAYAN! Magbibigay sila ng Queen of Pinoy Soap Opera title pero napaka unqueenly ng treatment. Where is the justice there? Bali-balita tuloy na lilipat siya ng istasyon dahil sa pangyayaring ito. How sad pero kung doon siya liligaya, todong suportado siya ng kanyang mga tagahanga.

15 comments:

Anonymous said...

Siguro iniisip ng Kapamilya network na kung Reyna ka ng Primetime Soap, maski anong timeslot ka ilagay, you can carry the show by yourself and still attract your adoring fans.

I think vote of confidence pa nga yun ke Juday kasi her soap does not have to ride on the coattails of Juan de la Cruz. Ibig sabihin, her show will rate kahit na hindi isunod sa sikat na serye.

Ruben

Anonymous said...

Talo kasi iyong soap nya sa My Husband's Lover. Okay lang yan :) Look at John Lloyd and Bea, kaagad din natapos ang soap nila...

Anonymous said...

Hi miss Mel! If I may ask kasabay ba ito ng MHL originally?Siguro kaya inilipat ng timeslot? Am not particularly Kapuso o Kapamilya although mas marami akong pinanuod na show ng dos the last couple of years.Ngayon lang ako may inabangan sa siete,yes that one SPG-rated show but sumusulyap sulyap din naman ako noon sa 7.
I know this is off-topic pero am honestly curious and excited kung ano ang action plan ng 2 o kung may hidden gem sila in the works to counter the momentum/sensation.The other station seemed to hit jackpot with MHL.Sabagay meron naman and dos ng Be Careful with my Heart.Tapos na ba yun?Sensya na di na kasi ako nakasunod.Online na nga lang ako nakakanuod ng local programs.

Salamat Ateng,More Power:)

Anonymous said...

Si Juday daw ang may gusto na tapusin at wag nang pahabain pa.

Anonymous said...

olats kasi kay marilyn at eric/vincent

Anonymous said...

AY, teh, di mo pa ba knowing? 2 rason daw kung bakit. 1. kinabog na ng MHL ang teleserye queen 2. tuliro si ateng dahil nagri-ready na ng annulment at di na makatiis sa babaerong jowangers

Anonymous said...

isa pang hearsay diumano kung bakit tinapos agad eh gustong mamahinga DAW ni juday kasi hands-on syang nanay. agree ako na mataas ang ratings at madaming advertisements ang HKLM, pero IN kasi ngayon yung dalawang jejemon king and queen kaya waley tayo magagawa.

honestly, matutulad lang sya kay claudine na nawalan ng kinang kung sya'y lilipat kasi magpakatotoo na tayo, ang forte ni juday ay teleseryes at sa kapamilya, ang mga teleseryes nila eh talagang nagunguna kahit na alam nating common na yung mga stories nila. sa GMA7, hindi appealing ang mga teleseryes nila, minsan pilit na pilit pa, sa tv5 oh never mind hahahaha.


pasensya na sa mala-nobela kong opinyon Bb. melanie

Anonymous said...

Manipulated naman ABS-CBN ratings. -Mareng Lee.

Anonymous said...

strong kasi ung theme ng soap ni ms juday, hindi nagke cater sa much younger audience, kay better sa late night talaga,,

Anonymous said...

Ang tsika, balak rin nila ilagay to sa pang hapon. Kaya imbyerna na si Queen Juday sa kapamilya network

Check her tweet na "To Stay or Not To Stay..."

Anonymous said...

Panira naman kasi si John Estrada diyan e. Sabi ko na e, dapat si Jericho Rosales na lang..para may rivalry element sila ni Sam Milby. Bobong ABS!

Anonymous said...

Watch ko Huwag Ka Lang Mawawala dahil me special participation ang Movie Queen Ms. Amalia Fuentes. Napakahusay pa nyang umarte at natural, di OA at trying hard na arte. At maganda pa rin si Ms. Amalia considering na 70 plus na sya.

Anonymous said...

More than anything, pinakain kasi yung show ni Juday ng alikabok ng My Husband's Lover.

Anonymous said...

magsasama na ang magkapatid juday at shawie sa tv5 noh antayin nyo na rin si kc susunod na rin yan

Anonymous said...

Si John Estrada kasi! Hahahaha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...