Sunday, September 29, 2013

Miss World 2013 is PHILIPPINES!

Halos magiba ang pader at sahig na tinitirhan ng mga bektas ngayon dahil sa todong kagalakan. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay may makapag-uuwi na sa Pilipinas ng koronang asul ni tiyang Julia Morley.

Miss World 2013
Si Megan Young ang tinanghal na Miss World 2013 na ginanap kagabi sa Bali, Indonesia. Hindi naging madali ang pagkamit n'yan dahil iba't ibang challenges ng pagandahan ang kelangan maipanalo. Salamat na lamang at kahit sa maikling panahon ay bonggang napaghandaan lahat 'yan ni Megan. Nasa ika-limang pwesto siya sa Beach Fashion, pang-apat sa Multimedia at winerva sa Top Model. Kaya ng ilabas ng scorecard during the final night ay 'di nakapagtataka na nanguna sa listahan ang byuti niya.

Second placer ang pambato ng France na si Marine Lorphelin. Head to head ang labanan nila ni Megan during the competition. Silang dalawa palagi ang pinagpipilian sa bawat prediction game. Si Miss Ghana Naa Okailey Shooter naman ang nasa third place.

Lubos ang pasasalamat ng buong bansa especially ng 'sangkabaklaan sa tinamo mong karangalan Megan. Nakatatak ka na sa kasaysayan bilang kauna-unang Pinay Miss World.

MARAMING SALAMAT AT MABUHAY KA!

3 comments:

Anonymous said...

Miss Supranational, now, Miss World. Isa itong napakalaking PRESSURE kay Ate Ara Arida sa Miss Universe!!!

Anonymous said...

Ate M. ano po ibig sabihin ng "Okailey Shooter"?

Melanie said...

-Teh Anonymous September 29, 2013 at 1:32 PM, may Bea Santiago pa para sa Miss International. Kakapressure!

-Teh Anonymous October 1, 2013 at 2:14 PM, parte 'yan ng pangalan ni Miss Ghana.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...