Sunday, September 8, 2013

Talvogue

International pageant season na mga ateng at tuwang tuwa ako sa galak at kasiyahan dahil umpisa pa lang ay 'di tayo binigo ng ating pambato sa Miss Supranational 2013.

Miss Supranational 2013 - Philippines (middle)
1st runner-up - Mexico (right)
2nd runner-up - Turkey (left)
Si Mutya Johanna Datul ang kauna-unahang Pinay at Asyana na nakapag-uwi ng korona. Ay! 'Di pa yata siya umuuwi at kasalukuyang busy pa sa Minsk, Belarus kung saan siya kinoronahan. Talvogue ang mahigit walumpung kandidata mula sa iba't ibang kontinente sa lahing kayumanggi.

Mutya Datul during the lingerie portion of the pageant
Bukod sa pangmayaman na korona, nakamit niya rin ang bonggang Miss Personality award ng pagandahan. I'm sure teary eyed ang mga panatikong sisterets diyan. Mala-Hilda Koronel nga ako sa pag-crayola dahil sa ating tagumpay. Sana sunud-sunod na ang dating ng mga korona.

MABUHAY ANG GANDANG PILIPINA!!!

3 comments:

Anonymous said...

sana magkaroon na din tau ng miss world

Anonymous said...

pinapanood ko sa youtube yung ms. supranational... yung ibang kandidata parang kung saan lang dinampot at walang kadating-dating lalo na sa paglalakad at pagpo-pose. super angat sa iba talaga si mutya!

Anonymous said...

I Love Mutya, She's my favorite Binibining Pilipinas gold Winner!

Gelo

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...