Thursday, October 31, 2013

Nakalatag

Nitong Linggo ay kinaray ako ni ateng Edgar Portalan (EP B.I.T.E.S) para samahan siya sa isang bazaar sa QC Circle. Dahil wa-i naman akong gagawin  at 'sang tambling lang ako doon eh agad akong pumayag. First time naming magkikita  pero matagal na rin simula nang magsalubong ang ang aming landas sa pamamagitan ng libro niya (click here). Pasado alas-onse kami nagkita sa Tropical Hut.

2-day charity bazaar ng Pinoy Bloggers Outreach o PBO ang pinuntahan namin. Nasight ko na sa blog ni Zai Zai (Simply Complicated Zai) ang tungkol sa samahang itech kaya medyo pamilyar sa'kin. Naikot muna namin ang pinakamalaking bilog sa Kyusi bago nakita ang pwesto. Sari-sari ang items na kanilang tinda na nagmula sa mga nag-donate. Ang malilikom na pondo ay gagamitin nila sa future outreach program. Nasabihan ako ni ateng Edgar na pwede akong magbahagi ng kahit ano, basta mapapakinabangan at mabebenta pa. So esep-esep ako. Dahil wholesome ang bazaar, nakakahiya naman kung mga piniratang gay indie ang ido-donate ko kaya 'yung mga rated PG na lang.

Napukaw agad ang atensyon ko ng mga librong nakalatag. Nakita ko ang makapal na libro ng Twilight at 'di na binitawan. Sa halagang 35 pukekels eh nabayla ko itey at nasa magandang kondisyones pa. BONGGA! Na-meet ko rin ang ilan sa mga miyembro tulad ng primera tindera ng bazaar Marge (Coffeehan) at si Senyor (Kwentong Iskwater).

Isa pang rason kung bakit dumayo si ateng Edgar sa Circle ay dahil sa librong ilo-launch ni Glentot (Wickedmouth). Bet niya bumili dahil maganda daw ang review. As of the mowment eh 'waley pa itey sa merkado pero next month eh nasa National Bookstore na. Napagkasunduan nilang magpalitan ng transaksyon sa Trinoma. Bilang maaga pa naman eh sinamahan ko siya. Ayun, nakakuha naman siya ng kopya at may personalized dedikeyshen pa mula sa author.

Ateng Edgar, Kuya Glentot at Bb. Melanie

10 comments:

Edgar Portalan said...

Thank you Ms. Melanie sa pagsama sa akin . I'll cherish that moment. Kahit nasikatan ng tirik na araw ang beauty mo ay rampa ka pa din he he he . May blog din ako about this. Thank u so much : )

Anonymous said...

Aba, gumaganda ka yata, Bb. Melanie. May nagpapaganda?

Senyor Iskwater said...

kainis naman... sana nagdala ka rin ng mga piniratang gay indie stuff para nakatulong ka sa akin... hehehe

salamat sa suporta. hanggang sa muli!

ZaiZai said...

Bb Melanie! Sayang naman di ako nakapunta sa bazaar, hindi kita na meet. Anyways sa akin mo na lang idonate ang mga gay indie hehe :) Thanks sa support sa PBO :)

Anonymous said...

no comment.

Anonymous said...

Hooong gondohh talaga ni Miss M!!! May mabuting kalooban pa!!

*juan uwagan*

Melanie said...

-Teh Edgar, you're welcome! Finally nagkita tayo :)

-Teh Anonymous October 31, 2013 at 3:15 PM, wala pang fafah 'yan paano pa kaya kung meron na. WOW!

-Senyor, it was nice meeting you. Gonna read your blog sa rest day ko.

-Teh ZaiZai, I was looking for you nga. Busy ka daw eh. Magkikita din tayo soon. So happy for your blooming career and lovelife. Anne Curtis lang ang peg ♥

-Teh Anonymous October 31, 2013 at 10:50 PM, at talagang wala kang na-comment :D

-Teh juan, salamat ng marami!

Joy said...

Nice reading your bonding time with the famous sa bazaar:) good luck to all!

Mar Unplog said...

Thank you for supporting PBO! God Bless you!

PeeBee Owers said...

Ikaw pala yung nakabili nung Twilight book ko hehehe... Salamat sa pagsuporta sa bazaar :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...