Sunday, October 20, 2013

Yate

Habang sinusulat ko ang vlag na itech, LSS ako sa lyrics na ♫ let's not bring the past back anymore ♪ As in 'yang pitong salita lang ang pa-ul-ul sa isip ko. Ang alam ko eh si ateng Jed ang kumanta niyan pero 'di ko noseline ang title. Well, 'di applicable ang lyrics na 'yan kung tungkol sa masasarap na lalaki ang pag-uusapan. Kalkalin natin ang nakaraan at namnamin ang sarap na dulot ni...

Matthew Mendoza
Papausbong pa lang ang bulaklak ko nang ako'y todong kiligin sa kanya. Una ko siyang nakita bilang Fredo sa trailer ng Dyesebel, version at launching movie ni MABUHAY! Welcome to my country. I'm Charlene Bonnin Gonzales from the Philippines! PAK! Nakasakay sa yate habang nagsa-sunbathing at eventually eh na-inlababo sa sirena. Oh how I wish ako 'yun during that time! Simula noon eh nagsunuran na ang mga nagawa niyang pelikula tulad ng Ikaw Naman Ang Iiyak, Nang Iniwan Mo Ako at Bridesmaids.

Cast of Ikaw Naman Ang Iiyak
Wala masyadong intriga kay fafah noon dahil bago pa man siya pumasok sa showbiz eh established na siya with his bonggang business. MAYAMAN! Pareho yata sila ng lahi ni Ian Veneracion dahil kahit 41 years young na, parang 'di lumipas ang kanyang sarap. Madalas siyang mapanood sa mga telenovela ng Kapamilya at Kapuso bilang daddy figure. Ooohhhh, I wanna be the mommy.

M-A-S-A-R-A-P!

5 comments:

Anonymous said...

super like ko din sya teh nung ako ay dalaginding pa hihihi...last time ko siya napanood e sa isang teleserye sa soap ng dos (forgot which one) at nagulat talaga ako that time kasi wala siyang kupas my gosh.

Anonymous said...

bb melanie,

minsan ko rin siyang pinag pantasyahan! lagi ako bumibili ng chika chika magazine kapag featured siya duon at lalo na kung siya ang nasa centerfold! saraft niya talaga! until now yummy parin siya.

olga

Anonymous said...

silang dalawa ni jestoni alarcon ang mga papable na kahit may edad na hot na hot pa rin!

Edgar Portalan said...

Hi Melanie , last minute invite ko sa iyo , type mo bang gumora sa Pinoy Bloggers Outreach fundraising event bukas or sa Sunday sa QC Circle ? Gusto ko kasing pumunta kaso wala akong mkasama he he he, baka gusto mong mag-join forces tayo at sabay tayong pumunta duon ? May book launch din kasi for the Wickedmouth book ni Glentot at type kong bumili with matching autograph siyempre from the author .... if you're willing , kindly message me asap ... para if any case ay 'di ka puwede ay makahila me ng iba : ) Thanks

Melanie said...

-Teh Anonymous October 20, 2013 at 6:52 PM, hindi napapanis ang kanyang sarap!

-Teh Olga, we will love him forevah!

-Teh Anonymous October 21, 2013 at 8:04 PM, isunod natin 'yan si fafah Jestoni kapag may nahalukay ako sa baul ng kayamanan :D

-Teh Edgar, I sent you an email :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...