Friday, November 29, 2013

Pinasukan

Kapag ganitong katapusan ng buwan at sweldo time, feeling ko eh katapusan na rin ng sahod dahil aariba na ang bayaran ng bills. Pilit na pagkakasyahin ang matitira hanggang akinse. Anyways, habang may nalalabi pang barya sa ating bulsa eh don't forget to bonggang treat ourselves. Pwedeng pa-massage, pa-spa, pa-facial, pa-manipedi ay kung anu-ano pang pa. Salamat sa Petra & Pepita, Refresh Salon at Reyes Haircutters sa abot-kaya nilang serbisyo. PAK!

14 days ago eh nambulaga ang ATM card ko dahil maagang 'tong pinasukan ng 13th month pay. At dahil dalawang linggo na 'yon, marami akong tinikmang masasarap na lalaki. Bente pesos na lang ang natira. ECHOS! Ang trulili, bumili ako ng digicam. iPod sana kaya lang mas mura 'yun eh. Go ako sa SM North para maghagilap ng magugustuhan. Sa CameraHaus ako nakakita located at the lower ground floor of the main building. Sinabi ko talaga kung saan eksakto kasi may masarap akong nasight diyan.

Kunwari eh interesado ako sa instructions nung saleslady kung paano gamitin ang camera. 'Di niya alam na todong distracted ako sa sarap ni fafah. Arte ako na itetesting kung gagana pero ang totoo eh may gusto akong kunan...

Oh! Baka makahalata si ateng kung 'di siya kasama sa pica so hayaan na natin siya. Si fafah 'yung nasa gitna. Masarap di ba?! Features naman ng camera ang binida niya. Patuloy ako sa pag-arte thanks to Star Magic with matching lines na "wow!", "ang linaw", "maganda ang quality" habang nakatingin kay fafah. Tapos narinig ko ang Beauty Effect.

"Paano naman 'yun?"

"Ay ganito po 'yun sir. Joey, harap ka."

Sabay pindot si ateng. PERFEKTA! May close-up shot na tayo ni fafah at Joey pala ang namesung niya. Tapos na ang best actress mode. Pampakinis, pampaputi at pampa-glow ang Beauty Effect. Instant kagandahan ang resulta! Test ako ng panorama at video shot. Siyempre kasama pa rin siya...

video

Pagkatapos niyan eh 'di na ako nagdalawang isip bayaran ang item. Iniwan kami ni ateng para asikasuhin ang resibo. Tama lang dahil nakakaistorbo siya. CHAROT! Bago ako jumuwelay eh 'di ako pumayag nang walang parting shot si fafah...

19 comments:

Joseph said...

Jusko 'teh! Para-paraan lang ang peg! Winnerva ang Star Magic acting summer workshops. For sure, isasama ka na ni Ma'am Charo sa next batch of Kapamilya stars. Hahahaha!

Pero seriously, ano yung brand (and model name) ng digicam na binili mo? And magkano siya? Naghahanap rin kasi aketch ng new digicam eh.

Hunks In Pictures said...

Winner yung last shot ni Papa Joey. :)

AstroDeus Shin said...

ganyan din ang ginawa ko nung binili ko ang aking first ever owned digicam at diyan din sa sm north ako bumili, that was 5 years ago... hahaha... pero yung model ko ay yung gwapong sales attendant... panalo ka talag, teh... sana nakipagkilala ka... malay mo, siya na pala ang soulmate mo... :-)

Anonymous said...

PAK NA PAK ITEY BB. MELANIE! Hahahaha! 123 Para-paraan hahahhaha! Galing mo talagang umaura ng bongga! :))))

-Teh KP

Kapitan Panagimpan said...

haha... if there's a will,there's a souvenir..dapat kinarir mo na neng at nagpapic kasama siya!

Anonymous said...

malanjutay ka ateng melanie! hahahaha tawang tawa ako sa artikulo mo. nakaka-good vibes. talagang may video pa pero parang halata naman nila na talagang kinukuhanan mo si papa joey hahahahahahahahahaha!

Melanie said...

-Teh Joseph, Sony Cybershot na kulay fenk sa halagang 4499php lang

-Teh Hunks In Pictures, basta lalaki dapat winner ang shot!

-Teh AstroDeus Shin, kumusta ka naman? Parang ngayon ka lang ulit napadpad sa karinderia ko. Eh kashe nahihiya acoh kaya shinarili co na lang ang feelings co. CHOS!

-Teh KP, tamuuuhhh!!!

-Teh Kapitan Panagimpan, gusto ko ang makabagong motto na 'yan! Nako, haggardo verzosa na akiz nung araw na 'yan. Umikot pa kasi ako sa Cubao at ang ending eh sa SM North pa rin.

-Teh Anonymous November 30, 2013 at 11:26 PM, KURIK! Dinig mo ba ang ungol sa background? Nag-orgasm ako agad ahahahaha!

ZaiZai said...

ang pogi naman ni Papa Joey parang gusto ko din bumili ng digicam! Hehe, nice buy Bb Melanie! :)

Anonymous said...

Bb Melanie,

Fanalo ang eksena mo teh! I lavet! Magaya nga! Hahahahaha.

Olga

Anonymous said...

Bb Melanie,

halos himatayin ako sa kakatawa dun sa facial expression nung sales lady sa video nung inilayo mo na sa kanya yung camera! naka halata yata si footha na si papa joey talaga ang nais mong i capture! nakakatawa talaga! lol!

Olga

mico said...

Joey! Joey's a friend of mine, Melanie! I won't forget the good times I had with him while he's drunk!

Charmane Nierva said...

funny talaga ang blog mez!

Melanie said...

-Teh ZaiZai, tara pakyawin natin ang paninda ni fafah Joey hihihi

-Teh Olga, ay trew! Naramdaman ko nga na flop sa kanya ang acting performance ko ahahaha

-Teh mico, kaloka 'yang "good times" na 'yan ah! Kahit si Cristy Fermin eh maiintriga ;p

-Teh Charmane Nierva, salamat ateng!

mico said...

Well, ano ba pwedeng gawin sa tulog na gwapong lasing, Melanie? Masarap siyang laruin at mapagbigay ng lakas ;)

Anonymous said...

Teh Melanie dpat tumingin krin sa quiapo dami camera dun mura pa, mga artista dun din buy.

Melanie said...

-Teh mico, IKAW NA ANG PINAGPALA!

-Teh Anonymous December 4, 2013 at 7:32 AM, sinuyod ko din 'yun bago ako bumili pero siguro destiny ang naghatid sa akin sa CameraHaus para makita si Joey. DESTINY TALAGA?!

mico said...

Want to meet him, Melanie? Go lagi yan sa inuman at madali malasing. Pwede kita pagbigyan sa kanya ;)

Edgar Portalan said...

Nice Melanie , now may pang-pekpekture ka na ng mga boys he he...

Anonymous said...

though he's gwapo, he seem so short. type ko pa naman mga matatangkad, choosy lang ang peg? hahaha feeling ko mga 5'3-5'4 lang yan, my gosh ang liit hahahahaha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...