Tuesday, December 31, 2013

Highlights

Wit na papipigil pa ang pagdating ng 2014. Mamaya lang eh magpuputukan na pagkatapos ay walang humpay na lalafang ng fruit salad, spaghetti, cake, barbecue, kare-kare, lechon at kung anu-ano pang mamantika at matatamis. Bago 'yan, let's take a look back sa mga bonggang ganap this year...

ISYU
Walang 'di nahabag at nabahala sa tindi ng pinsala ni bagyong Yolanda at todong pagyanig ng lupa sa Kabisayaan. Biglang sikat ang low profile na kayamanan ni Janet Napoles na may big time bestfriends. Patuloy na dumadami ang mga bagong kaso ng HIV/AIDS. Sa tagumpay ni Nanay de Pamilya sa nakaraang eleksyon, ano kayang menu ang mailuluto niya sa sambayanang Pilipino?

MUSIKA
Bonggang pananabik ang naramdaman ko sa reunion ng 911. Sayang at hindi masyadong bumenta ang Lotus album ni Xtina. All Good sa pag-lipat bahay ni Nina sa Viva Records. Walang sawa kong pinakinggan ang Sa Piling Mo ni Jonalyn Viray, ang theme song ng Lola na pinutol at 'di tinapos ng Kapuso.

SARILING ATIN
Two years na at 'di pa ako umay sa sarap ni Vince Ferraren. Isa pa 'tong si Clint Bondad with his carpeted fes. Kung moreno ang type niyo, andiyan si Billy Villeta na 'di nagdamot sa kanyang malinamnam na karug. Ubos ang nektar ko nang mag-shower sa stage si Martin Flores noong Cosmo Bachelor Bash 2013.

BABASAHIN AT PANOORIN
Mahigit isang dekada na akong pinakikilig at pinatatawa ng SeƱorita series. Literaturang Pinoy ang hatid ng nobela ni Edgardo M. Reyes. Kuhang kuha ni Pokwang ang kiliti ng mga call center agents. Balik sa pagka-high school ang feeling ko sa panonood ng The Perks of Being A Wallflower.

KARANGALAN
Pilipinas ang itinanghal na Country of the Year pagdating sa pageantry. Pinay ang first Asian Miss Supranational. Walong taon lang pagkatapos manalo ni Precious Lara Quigaman ay nakamit ulit natin ang Miss International title. Third runner-up sa male version ng pageant na 'yan si Gil Wagas. Dinaig ni Megan Young ang mahigit 'sandaang babae sa buong mundo para maiuwi ang kauna-unahang Miss World crown ng bansa.

TSIKA
Naunsyami ang pagbabalik telebsiyon ni Marya pero ang kapalit naman ay dalawang box-office na pelikula. Parehong napresinto sa magkaibang kaso ang Fil-Aussie's na sina Chris Cayzer at Marco Morales. Pink na pink ang pakpak ni ateng Mimi Juareza sa pagkakapanalo niya as Best Actor sa Cinemalaya.

IMPORTED ITO
Parang handaan sa fiesta ang sarap ng mga contestant sa Mister Slovenia. Na-etsapwera sa pang-apat na pageant na sinalihan niya si Ginanni Sennesael. Tik tok tik tok sabi ng 10 o'clock ni Diego Novicki. I'll be Mrs. Molinari, claim ng future ko.

TELEBISYON
Kontrobersiyal ang pagkaka-ere ng My Husband's Lover, kauna-unahang baklaserye sa primetime. Hit na hit ang Korean version ng Hana Kimi. Kahit antok na antok na eh 'di ko tinantanan ang marathon ng Wish Upon A Star. Bitin ang pagbabalik teleserye ng Reyna ng Soap Opera.

KAARTIHAN
Panghuli ang bonggang highlights ng buhay ko. Dalawa nating shupatemba ang nagpamana sa akin ng kanilang "kayamanan". Kulitan at tawanan sa autograph signing ng Tambalan. First time kong magbakasyon grande sa Cebu at Bohol. At ang pinaka-makinang sa lahat, walang kiyeme kong hinarap ang takot nang sa unang pagkakataon ako'y nagpa-HIV test.

And that wraps up our 2013 mga ateng! Hangga't patuloy na may naliligaw at nagtiya-tiyagang bumasa ng kaartihan ko, patuloy akong magsusulat para sa inyo. Sana ay dumami pa kayo!

I'm wishing you all a 
PROSPEROUS NEW YEAR!

9 comments:

Anonymous said...

happy new year din sayo ate melanie!
pakisagot naman po ung comment ko sa previous mong blog na kaka-approve mo lang ngayon.

-secret asker

Edgar Portalan said...

Happy New Year ateng ... next year ulit 2014 ... God bless us all !

Joseph said...

Happy New Year, Bb. Melanie! Here's to more fabulous moments this 2014! :)

Red Fox said...

You always make my day Miss Melanie regarding your blog. My day is not complete without reading it. I hope you continue giving us your never ending stories about lifes up's and down's. Manigong bagong taon at mabuhay ka!

Melanie said...

-Teh secret asker, I think ganun gumawa ng movie trailer ang Star Cinema. 'Yung ibang eksena eh wala sa main movie. Ganun din kasi ang nangyari sa Call Center Girl.

-Teh Edgar, marami pa sana tayong mapuntahang blog events this year :)

-Teh Joseph, fab na fab ang bagong taon ateng. Claim natin 'yan!

-Teh Red Fox, maraming maraming salamat sa suporta. Tuluy-tuloy ang kwentutan ngayong 2014! :D

Anonymous said...

Sister, sna wag k magsawa s pagpost mo na parang teleserye kong sinusu...baybayan...love it

Anonymous said...

Happy New Year Bb. Melanie! Forever na yang blog mo kasi super dami naming nag-aabang! Di ako magsasawa, promise! :)

-KP

Anonymous said...

ateng melanie sana magpost ka naman ng mga kaganapan sa lovelife mo o sa mga naencounter mong boylets. dapat may mga pics, nakakasawa na kasi yung mga nakukuha lang sa internet, mas exciting yung RAW talaga, galing sayo. hihihi

Anonymous said...

salamat ate melanie dahil sinagot mo yung tanong ko(secret asker).
kung sa bagay sa hollywood nga eh mas nauuna pa yung taping ng trailer kesa sa main movie.
patuloy lang ako sa pag-abang at pagtikim ng masasarap mong mga putahe! thanks.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...