Tuesday, December 24, 2013

Tinakasan

Halos isang taon na akong kumakayod sa gabi upang magpaligaya ng mga 'Kano at pansin ko lang, anlaki ng ipinagbago ng kutis ko. Kung dati eh ka-level ko si Lucy Torres (pagbigyan niyo na), ngayon parang si Madame Auring na. Buti nga siya may asim pa pero ako yata eh tinakasan na. Lakas makatanda ng walang tulog sa gabi. Nakakalaki ng pores at nagkakaroon ng linya sa fes. Malaking tulong na hiyang ang byuti ko sa RDL Baby Face at Olay Mositurising Lotion pero siyempre 'di lang fes ang kailangang alagaan kundi pati na ang masarap na katawan.

Naghagilap ako ng sabong anti-ageing since 'yan ang uso ngayon. Kahit ka-edad mo lang si Bea Alonzo at Camille Co eh bonggang ineenganyo nang gumamit ng ganyang produkto. Kaya gumora ako sa Cherry Foodarama,  humanap ng underrated beauty soaps at isa 'to sa mga nakita ko...

Forever young ang peg sa buhay ni Cory Quirino at obvious naman noh! Hanggang ngayon sexy at makinis pa rin. Napabili tuloy ako. So far eh masaya ako sa tuwing ginagamit ko. Antagal pang matunaw. PERFEK! Alam kong matagal pa bago ko makita ang epekto at dahil atat ako, naghanap pa ako ng iba.

Beauche Beauty Bar
Beauche na parang Beyonce daw kung babaybayin ang pangalan ng produkto. Kung 'di niyo alam 'yan eh lumabas lang kayo at maghanap ng tindahang fink na ang binebenta eh puro pampaganda. Tapos ang model sa label eh mashonders na. Natawa nga ako nung una kong nakita 'yan at never kong na-imagine na gagamit ako. Ayan, nilunok ko ang tawa ko dahil kahapon lang eh bumili ako. Todong nakakakinis daw 'to ayon sa usap-usapan sa kanto. 'Di ko pa nagagamit 'yan dahil 'di pa ubos ang sabon ni Madame Cory pero kavogue kaya ang epek nito? Mala-Julia Barretto kaya ang final result? Tuluyan na bang mawawala sa eksena ang Belo Essentials? How about ang kapitbahay nating si Ellen's Aesthetics at ang malaking buhok ni tiyang Elvie Pineda?

Vicki Belo, Ellen Lising and Elvie Pineda

9 comments:

Anonymous said...

Melanie, so hindi ka rin natutulog sa araw (o nakakabawi man lang)?

Anonymous said...

http://fbcdn-sphotos-c-a.akamaihd.net/hphotos-ak-frc3/1499539_10203565387874398_1296984884_n.jpg

Once again, head-to-head, toe-to-toe, bukol-to-bukol ang labanan. Merry Christmas!

Anonymous said...

mga ilang buwan daw bago malaman ang result ateng? yung kay mamang cory

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, nakakaborlogs pa rin naman pero dati kasi pang-umaga ang trabaho ko. Kahit ilang oras lang ang tulog ko sa gabi, FRESH from the sea ang byuti kez.

-Teh Anonymous 2, I LAV 'ET! Wish ko lang kahit isa sa kanila maging jowa ko. CHAREEENG!!!

-Teh Anonymous 3, walang nakalagay sa label ateng. At least walang may I promise na in 7 days or 2 weeks eh puputi ka na.

Anonymous said...

ditse maligayang pasko at masaganang bagong taon...........mrami ng pagbabago sa buhay ko,,.....maraming salamat sa iyo..

Melanie said...

-Teh Anonymous 4, HAPPY HOLIDAYS din ateng! Mwah mwah tsup tsup!

Anonymous said...

Dun sa na-post na pic sa taas -- kaya siguro nag-tie kasi may nakakabasa nung comment na pinagsasabong lagi sina Allen Molina at Richard Solano.

Anonymous said...

Merry Christmas teh Melanie , try mo flawless products mbbili nman sya s sm dept stores s beauty section, affordable nman sya.

Anonymous said...

Teh! Use olay regenerists, bongga ang results!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...