Friday, January 3, 2014

Assorted

May nag-request sa inyo na mag-feature ako ng mga lalaking nakatikim na nang aking bukayo. In bold letters eh gusto niya, RAW pictures daw. KALOKA! Paano ko naman magagawa 'yan kung ninuno ko si Maria Clara at 'di makabasag pinggan ang aking tinig. OH SIYA! Tama na ang lokohan at pagbigyan ang kahilingan. Agad agad ang katuparan!

Alam kong namiss niyo ang papa paparazzi shots sa masasarap na ohms na nasasalubong ko kahit saan. Madami na akong naipon sa aking ketay at panahon na para ipakita sa inyo kung gaano sila kasarap...

Puro back shot 'yan at walang front shot. Kuha 'yan habang nagsusunog akez ng oras kakapila sa DFA para kumuha ng passport noong Oktubre. Jumujulanis morisette pa niyan kaya Tuwing Umuulan at Kapiling Ka ang theme song namin. Nauna ako sa pila pero bet ko ulit bumalik sa dulo para lang makatabi siya. Chinito, maputi, tsabi-tsabi at may balbas sa fes. Lahat ng weakness ko nasa kanya. Walang hiya-hiya kung titigan ko siya. Titig talaga kasi 'di ako magkasya sa sulyap lang. Ganun na ako kagarapal ngayon. Ahahaha!

Eto naman si koya at may dalang bagahe. Magbabakasyon yata sa probinsya. Sa jeep ang location ng love story namin. 'Di mapakali ang tilapya ko sa nakakaakit na lean body niya. Parang basketball player. Pero ang 'di ko napigilang panggigilan eh ang kanyang mahaba at balbuning... legs. Dadi, sama na ako sa'yo pleeease.

MRT ang pinaka-hate at pinaka-lab kong sakyan. Hate kasi kapag rush hour eh kailangang isantabi ang kagandahang asal makasakay lang agad. Love kasi maraming papa dito. Iba't ibang klase, uri, ayos, hugis, sarap, lahi... basta assorted. Tulad niya...

Parang may lahi si kuya. Tisoy eh. May kapayatan pero magaling magdala ng long sleeves. Corporate! Saan naman kaya ang opisina niya? At tumingin pa talaga sa camera! Buti na lang pababa na siya dahil kung hindi, baka 'di niya napigilang ako'y halikan sa gitna ng karamihan. CHAREEENGGG!!! Sa inyo na 'yung katabi niya. 'Wag na kayong choosy at paubos na ang mga lalaki! Joke lang koya! Peace tayo.

5 comments:

Simon said...

So sneaky and naughty haha ;) Sana may picture taking skills din ako na ganun haha

Anonymous said...

Good job,,ito ung nagpataas ng rating ng blog ko nuon dahil sa mga shots na ganto. more az in more!!!!

-TKW

Anonymous said...

ATENG MELANIE!! AKO ANG NAGREQUEST!!1 AKO TALAGA! MAMATAY MAN MGA KUKO KO SA PAA HAHAHAHAHA!! I LOVE IT!! MORE RAW PICS NAMAN!!! CAPSLOCK ANG PEG KO KASI RAMDAM KO ANG SAYA!!! MORE MORE MORE FEATURES NA GANYAN ATENG!! HAHAHAHAHAHA

Anonymous said...

dun sa last pic, panira lang yung lalakeng naka shades, feelinggero AMP!

Anonymous said...

baka naman akala nung naka shades siya ang kinukuhaan mo ng picture. lakas tuloy ng feeling. dapat hinawi mo muna hahaha.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...