Monday, January 20, 2014

Dumausdos

Naglalaba ako kahapon nang 'di ko mapigilan ang sariling i-text si super friend Tsari at inaya siyang manood ng Bride For Rent. Unang kita ko pa lang kasi sa trailer ng second starrer nina Kim Chiu at Xian Lim eh alam ko nang 'di ko pwedeng palampasin. Buti na lang at sumegunda siya kaya iniwan ko muna ang labada at sumugod sa pinakamalapit na sinehan. Saan pa nga ba kundi sa SM North.

Bride for Rent (2014)
Star Cinema
Directed by Mae Czarina Cruz
Starring Kim Chiu, Xian Lim, Martin Del Rosario, Empoy and Ms. Pilita Corales

Anim na buwang 'di nakapaylet ng renta sa balur ang pamilya ni Raquelita Dela Cruz AKA Rocky (Chiu). Kahit sandamakmak ang shupatemba niya eh siya ang inaasahan. Panay ang audition niya kung saan saan magkaraket lang. Saktong nagpa-audition ng pekeng asawa ni Roderico "Rocco" Espiritu Jr. (Lim) para magets ang kanyang milyon-milyung trust fund. Pagkaharap kay Lala (Corales) eh pinakasal niya ito sa simbahan. 'Di naman shunga ang thunders at nalaman din ang pagpapanggap. Kinuha nito ang serbisyo ni Rocky para patinuin ang malokong apo. Kinasal, nagsama sa iisang bubong minus the chorvahan at nagka-inlove-an. Haaayyyy... todong nakakakilig ang mga sumunod na eksena. Wit ko na iku-kwento at major major spoiler na.

Mukhang magiging forte ni Kim ang rom-com movies dahil epektibo siya sa pagpapatawa. May pagka-aggressive ang karakter niya dito na malayo sa mga pa-sweet niyang ginampanan dati. Good job Ms. Chiu! At si Xian Lim... si Xian Lim... JUICE KOH! He's the perfect tsinito. Sa lahat yata ng eksena niya eh pogi siya. Walang anggulong chaka lalo na kapag ngumingiti. Dumausdos ang panti ko sa kanya. May hangover pa nga ako.

Bukod sa dalawang bida, si Empoy ang isa sa mga nagdala ng komedya sa pelikula. Matatawa ka na agad kahit 'di pa niya binibitiwan ang linya. GALING! This movie is the perfect start of Star Cinema for 2014. Parang hinango sa pocketbook ang istorya kasi may nabasa na akong ganito. Feel-good, nakangiti at kinikilig kang lalabas ng sinehan.

Rating: 5/5 stars

8 comments:

Anonymous said...

off topic ateng.. ano nang nangyari sa friendship mong si ateh paul? friends pa ba kayo? o may hidwaan na? hindi ko na napapansing minemention mo sya dito sa blog mo? warla kayo ateng. hmmmmm...

Anonymous said...

.gusto ko din yan mapanood!

Anonymous said...

...hmpp.,naku.....kung wit pa nagkyeme si kim na , i don't owe u my privacy...at nag crying galore sa mga eklat interview..dedma magwatsung ng moveyy niya...sguru, kung nag butt scene si xian, cgurado pila balde mga bek2 sa sinehan..in fairness, machete si xian sa personal...pero payatollah khomeini at sureball dakilang bayani ang lolo mo..hahaha

Simon said...

I want to watch this movie haha. Is it super worth it ba?

Anonymous said...

prang star cinema nlang yta ang active gawa movies, ung viva at regal wai naba? Eh un nga plang GMA FILMS?

Anonymous said...

d ng natapus palabas balik labada k uli.. prang baliktad dapat labada muna tpus cine.. ang nangyari sayo sarap muna manood balik sa hirap maglaba.. dapat hirap muna labahin tapus sarap

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, wala kaming hidwaan ni Ateh Paul :) 'Di lang kami 'sing dalas lumabas tulad ng dati.

-Teh Anonymous 2, watch mo na at sulit na sulit ang ibabayad mo.

-Teh Anonymous 3, kung may butt scene si Xian, malamang naka 1 bilyon agad ang pelikula sa opening day. CHAROT!

-Teh Simon, SUPER WORTH IT! Nag-enjoy ako ng todo!

-Teh Anonymous 4, as far as I know eh may Viva-SC movie this year starring Anne-Sam-Cristine while dalawang Carla Abellana movies for Regal. Ewan ko lang sa GMA Films. Bet mo bang magkaroon ng part 2 ang Just One Summer nina JuliElmo?

-Teh Anonymous 5, TREW! Resume ako sa paglalaba pagkatapos manood ahahaha!

Anonymous said...

Teh bet na bet ko din magka-part two ang Sossy Problems and ang napakalakas sa takilya na My Lady Boss! Pak!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...