Tuesday, January 28, 2014

Tapat

Can I Just Say:


♫ Di magsasawa, di magbabago
Di maghahanap ng pag- ibig
Na papalit sa puso ko
Ganyan ka sana, dahil ganyan ako
Laging tapat at laging totoo ♪ 

Sa pakikipagrelasyon, importanteng sangkap ang pagiging tapat. Huwag papasok sa isang sitwasyon na 'di kayang panindigan. Nababalot ang mundo ng tukso sa iba't ibang porma, kulay at itsura. Nakakaakit. Nakakahalina. Kahangalan ang sabihing mahirap tanggihan, mahirap paglabanan dahil kung puro at mataas ang respeto sa pagmamahal, sisiw lang 'yan. Sa bandang huli, 'di ka man mabubugbog tulad ng iba, paniguradong may sasampal sa'yong karma.

5 comments:

Anonymous said...

Uy teh Melanie, parang may bato-bato yang Blog Entry mo ngayon ha :)

Uy ooperahan daw yung actor/comedian/host dahil sa tinamo nya.Kasama sa procedures ang Rhinoplasty.I remember telling myself while watching the news,'uy at the very least gaganda na ang ilong nya'.Puede na isama ang aesthetic aspect sa surgery.

Di ko na talaga pinangalanan,no need :)

Anonymous said...

taray naman ni Bb.Melanie!
Bonggang-bongga ang mga payo!
-anonymous

Anonymous said...

both parties are mga malanjutay. ubod sa talandi! nakakahighblood yang ganyan. si boy may gf na pero naglandi pa, si girl diumano may nobyo na na ex ni vina morales. mga talandi!

Anonymous said...

ang natutunan na dapat ni vhong ay dapat pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya dapat naging matapat na sya. i wonder kung after ng sigalot sa buhay ni vhong, andyan pa rin sa tabi nya ang jowa nya.

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, sad talaga nangyari sa kanya. I just hope na lahat tayong nakikisawsaw sa isyu ay may mapulot na aral.

-Teh Anonymous 2, SALAMAT NG MARAMI! :)

-Teh Anonymous 3, minsan talaga hindi nadadaan sa kamot ang kakatihan. Kailangan may ibang kakamot. CHAREEENG!!!

-Teh Anonymous 4, well it looks like mas na-appreciate ni Vhong ang GF niya ngayon. Let's just pray for their relationship. 'Yun ang best na magagawa natin for them.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...