Monday, February 24, 2014

Abilidad (final part)

Jackpot ang byuti ko kay papa! Talagang pogi sa malapitan. Napaka-unusual para sa isang driver ang arrive niya. Nangibabaw ang impakta sa aking kautakan. Agad-agad akong gumawa ng pasakalye para mapahaba ang biyahe. Sana lang kasya ang andalusha sa pitaka.

"Pasensya na ah. Gagarahe na kasi ako. Ayaw ko na sanang mapalayo kaya nagtanong ako."

"Okay lang. Saan ba 'yun?"

"Sa Valenzuela."

"Aaahhh... kuya pwede mo bang idaan diyan sa Kamias?"

"Sige po."

Oh! Benta ang drama ko. Dapat talaga manalo na ako ng Famas for Best Actress in a Nightly Performance.

"May hinahanap po ba kayo?"

"Oo. Papa-massage sana ako."

Hint na 'yan sa kanya na may 'hinahanap' ako. Baka mag-prisinta siya if ever. CHAR!!! Pero sori na na lang si bakla dahil wa-ing dating sa kanya. Todo sipat ako ng mga massage parlors sa gilid-gilid. May nasight ako kaya lang nakakasyokot sa laki si koyang masahista na nakaistambay sa harap. You know naman the non-legit massage parlors, instead na mala-scrubsuit ang uniform eh sando at maong ang suot with motorcycle sa tabi.

"Kuya, liko mo na lang diyan sa gas station. Diyan na lang tayo dumaan pauwi."

Script. Script. Script. Anong magandang pag-uusapan namin? Nilingon ko siya sabay titig sa fes niya. Napalingon din siya at 'di ko na naiwasang sabihin sa kanyang...

"Grabe! Ang pogi mo pala."

Napangiti si papa. Ayan na. Umeksena ka na baks. Wala nang atrasan.

"Kuya, matagal ka nang taxi driver?"

At nagkwento na siya. One week pa lang daw siyang nagda-drive. Part-time lang at ang schedule ng biyahe ay tuwing M-W-F. Ex-OFW daw siya sa Kuwait bilang waiter at nag-aantay ng Visa pabalik doon. Tulad ng ibang Pinoy, malaking sahod ang dahilan niya sa pangingibang bayan. Magiging tatay na kasi siya at nag-iipon para sa junakis. So far ay nakapag-pundar na siya ng bonggang Adventure.

"So ginawa mong UV Express?"

"Hindi. Pinaparentahan ko."

"Aaahhh... so pwede 'yun gamitin sa team building?"

"Oo."

Kung sa Laguna daw ang biyahe, 3500 ang paylet kasama na ang driver at gasolina. Pwede bang wala nang sasakyan at gasolina, driver na lang? ECHOS! Siyempre 'di ko sinabi 'yun at baka itulak ako palabas.

"Ay! Kukunin ko number mo."

"0992..."

"Ano 'to? Smart?"

"Hindi. Talk N Text."

More more kwento siya about his work. Open na daw ang Kuwait sa mga beks. Pati sa Qatar. Sa Saudi daw mahigpit. Nahiya nga ako sa laki ng sahod niya eh. Humahanap talaga ako ng tiyempo kung paano isisingit ang todong kalandian pero nada. Mahina ang bakla. Wala ka pala eh! Tataxi-taxi ka pa at choosy sa driver pero nga-nga naman sa kapokpokan. BOO!!! Okay, malapit na ako sa bababaan ko at inisip ko kayo mga ateng. 'Di ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na ibahagi sa inyo ang kanyang natatanging kasarapan kaya umeksena na ako ala-Bea Alonzo sa Now That I Have You...

"Pwede bang picturan kita? Ang gwapo mo talaga eh."

"Okay lang, sige."

Siyempre handa agad ang celphone. Turn on the flash para malinaw. Super ngiti siya. Blurry sa una kasi umaandar. Mamaya na daw 'pag naka-stop. Huminto siya sa gilid. 127.50 ang nasa metro. Abot ako sa kanya ng 500.

"Kunin mo na 150."

Galante ni bakla. At least may tip siyang bente noh! Arti pa siya? Picture picture! Nakakatunaw panti ang smile niya at 'di ako nakuntento, umisang shot pa akez with tapik sa braso.

"Ang gwapo mo talaga! Kinikilig ako!"

Overtime na akez sa loob. Gagarahe pa siya kaya bumaba na ako't nagpaalam. Nag-wave back naman siya bago umalis. Eto na siya nga ateng...

Reydi na ba kayo?

1...

2...

3...


'Yung malabo version 'yan. Hindi ko na kayo bibitinin at eto na ang clear copy...

4...

5...

6...


Oh deee vaaahhhh?! Talagang wafu si mamang tsufer. Kaya 'di pa man nakakalipas ang ilang saglit eh hinugot ko ulit ang ketay ko para i-text siya. Ayaw mag-send! AMP! May load naman akez. Kilig kepyas pa rin ako kaya sinubukan kong i-missed call...

"Your number cannot be completed as dialed. Please check the number and dial again."

At naloka ang bakla.

The End.

25 comments:

Anonymous said...

putangina ang gwapooooooooo!!!!!!

Anonymous said...

nilabasan ako ng bongga! palit panty akitch.

patrick said...

Ayy sayang. Ganyan na sila now, magbibigay ng maling number. Haha

batang mailap said...

haha napadaan dito sa blog mo ate!
in fairness, b.y nga si manong driver, bihirang bihira ang ganyan.

haha next time, double check mo na ang cp number, at kung saka-sakaling masakyan ko rin ang taxi nya..
kukunin ko ang number nya for you.
apir!

Anonymous said...

Ateng, you might not be the best person to seek aid considering your story here, but can you (and the followers of this blog) suggest ways and means kung paano a-aura when things like this come? I mean, once in a while, the opportunity just presents in the most unexpected moment - may cute na guy and ikaw naman ay medyo nag-iinit. But how to proceed? How to approach? How to hit the bullseye?

Salamat po. Gusto ko nang lumigaya.

Nagsusumamo,

*juan uwagan*

FiftyShadesOfQueer said...

Ay ampogi! Ano un kulang binigay nya o nagkmali ka pindot?

Hahaiy ampogi!

Anonymous said...

PAK NA PAK KA TALAGA BB. MELANIE! IDOL!!!!!!!!!!!

-KP

yccos said...

Ay! Maling-mali! Maling-mali ang number!! Waaaa! Haha... Infair, gwapomuch si koya...

Anonymous said...

Ang cute nga ni KUYA saan pla ung massage na 99 at 199? Saan s cubao?

Arnie Monacillo said...

Pak na Pak.

yccos said...

Ay! Maling-mali! Maling-mali ang number!! Waaaa! Haha... Infair, gwapomuch si koya...

Marshmallow Princess said...

baka may problema sa signal diyan te. bigay mo sakin ang number ang try kong tawagan.

Anonymous said...

ang gwapo nga. sa itsura nya parang hard fucker sya HAHAHAHA shet kinikilig ang kepyas ko sa kanya bwahahaha

Anonymous said...

indie magandang indie movie yan ang title... 25 MINUTE RIDE pak salamat sa essay mu.

Anonymous said...

ateng M, i have a feeling na hindi mo kinwento lahat at feeling ko may nangyaring kababalaghan sa inyo LOL hindi mo na lang siguro nilagay kasi nga may pic si manong tsuper kaya parang respect na lang sa kanya hihihi anyway, certified gwapo sya at agree ako sa isang nagcomment na parang hard fucker sya hihihi

Melanie said...

-Teh *juan uwagan*, kung alam ko lang eh 'di sana iba ang tinakbo ng kwento. AMP!

-Teh FiftyShadesOfQueer, 11 digits naman 'yung number at inulit ko pa sa kanya bago i-save.

-Teh Anonymous February 25, 2014 at 2:08 AM, basta sabihin mo lang kay mamang konduktor na ibaba ka sa Q-Mart, makikita mo na 'yun.

-Teh Anonymous February 25, 2014 at 6:08 PM, sana nga ganun ang nangyari pero wititit! Kulang sa tulak si bakla ahahaha!

Anonymous said...

Nasakyan ko na siya dati ;) #AlamNa

Edgar Portalan said...

in fairness , gwaping nga si Manong driver , ' dapat minis-call mo muna ang number bago ka bumaba he he

Anonymous said...

Melanie, mahina ka siguro ng araw na yan. Kilala ko yan. Kawork ko yan dati dito sa Kuwait, madali Lang mapapayag yan. Alam yan ng mga taga dito. Pero straight talaga yan.

Rix said...

nyahaha parang ginudtime ka lang sa number na binigay nya ahahaha

Anonymous said...

Ateng, kung ma rewing ang lahat, ano sana ang binago mu sa iyung strategy?

Anonymous said...

^ Pang tito boy abunda ang tanong ni beks. Hehe. Go Bb Melanie, sagutin mo. Kung pwede i.rewind ang lahat..ano sana ang babaguhin mo? Haha

Melanie said...

-Teh Anonymous February 27, 2014 at 6:31 PM, babasagin ko na ang katahimikan ko. Kung iikot ang orasan pabalik sa eksena sa loob ng taxi, dadagdagan ko pa siguro ang kalandian ngunit hindi lalagpas kung saan madudungisan ang tingin niya sa lahi natin. Dahil ang moralidad at dignidad ay walang sarap na kapalit.

ECHOOOZZZ!!!

Anonymous said...

Kapitbahay namin sya. May water station din sya malapit sa may amin. Wafu talaga si kuya at mukhang masarap talaga...

Cute Pinoy Portal said...

oo nga naman, pang viral ang looks niya, papalit nayan sa model ng KFC

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...