Saturday, February 22, 2014

Abilidad (part 1)

Nitong nakaraang Miyerkules ay nagkaroon ako ng job interview sa Makati. Alas-nueve ng gabi ang schedule at isang Pinoy, apat na Kano ang sabay-sabay um-orgy sa akin. Mahigit tatlumpung minuto nilang ginisa ang abilidad kong mag-Ingles. Para saan pa't nagmana ako kay Mimilanie Marquez kung padadaig ako? 'Yun nga lang anemic na ako pagkatapos ng bonggang Inglisan. AMP!

Ang tunay na mag-ina
'Di yata nila feel ang kuda ko kaya pinajuwelay ako agad. Buti na lang at may tren pa kaya ride ako ng MRT pauwi. Bigla kong naramdaman ang sakit ng aking kalamnan. 'Di na ako umarti pa at bumaba ng GMA/Kamuning station at sumakay ng bus pabalik ng Cubao

"Kuya, Q-Mart po."

Sakto pagbaba ay may dalawang massage parlor sa kanto na 7-Eleven lang ang pagitan, isang 199 at isang 99. Doon ako sa mas mura kasi 'di ko pa nasusubukan 'yon. Papasok pa lang ako eh pinigilan na ako ni ateng nakaistambay sa labas. Wala daw available therapist. May ginagawa pa daw sabay turo sa taas. Hhhmmm... ano kaya 'yon? Ayaw ko naman sa 199 kasi 'di ko na-bet-an 'yung amoy ng mineral oil na ginagamit dun kaya tumawid ako gamit ang pinakamataas na overpass sa Pilipinas (feeling ko lang) sa harap ng Q-Mart at Ramon Magsaysay HS at gumora kay suking Gold Spa. Bad news dahil nagsara na ito at sa harap ay may nakasabit na For Rent.

Image from zodio.com
Lakad pabalik sa bus stop para mag-antay ng bus pauwi. Madalang na nga, standing ovation pa ang mga C5 na bus. More more antay pa akez. Ang limang minuto ay naging sampung minuto papunta na sa kinse minutos. Ngalay na ang paa kez at nalanghap ko na ang simoy ng hangin sa EDSA. Isama mo pa ang malaking butas ng kanal na pugad ng mga ipis malapit sa harap ko. Nang biglang sumulpot ang puti at dilaw na taxi from nowhere. Sinipat ko ang driver na madalas kong gawin sa tuwing sasakay nito. Kung magtataxi ka rin lang, might as well sa poging driver na. Who knows de vaaahhhh??? OMG! Paalis na siya kaya naman hinabol ko ng para si papa. Dedma sa isa pang taxi na nag-aantay din ng pasahero. Binaba niya ang bintana at nagtanong...

"Saan po kayo?"

Sinabi ko ang destinasyon at ako'y pinasakay niya. Baka naman nasarapan lang siya sa akin di kaya?

Tatapusin...

5 comments:

yccos said...

Aha!! Basta driver daw sweet lover! Lols..

Para di maubusan ng dugo, magbaon nito sa mga susunod na interview. Lels..

Rix said...

nyahaha tumbling ako dito sa eksena mo :D

matty roa said...

wow... exciting...

Anonymous said...

itutuloy prang komiks ... sad kya o hapily ever after... not wait n

Anonymous said...

animal ka melanie! magpost ka ng pic ng taxi driver ha?! hahahaha punyatera naeexcite ako sa kwento mo hahaha! at ateng PLEASE kahit R18 pa ang mga eksena, GO!!!! ateng uulitin ko, magpost ka ng pica ng driver!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...