Sunday, February 9, 2014

Ka-look-alike

Infairness may progress
Nalaro niyo na ba ang bonggang game app na Flappy Bird? Ang simple lang ng concept pero mahirap laruin. Magpapalipad ka lang ng ibon na bukod sa tamad lumipad eh ang bigat pa. Anlaki kasi ng katawan pero ang liit ng pakpak. Habang pinapalipad mo siya, kailangan iwasan ang mga tubo sa liliparan niya. Kapag na-deds ka, walang second life. Balik sa simula. KAIMBERNA!

Excited to kiss your music again
Ang saya saya ko dahil after four years ay may bagong album si Queen KylieKiss Me Once is gonna be her twelfth studio recording after Aphrodite and set to be released in March. Kapag siya ang may bagong album, fans can expect a special edition like box set and vinyl version. Medyo kakaiba daw ang tunog nito sa electropop-dance genre kung saan siya mas nakilala. But she made sure na 'di mawawala ang tatak Kylie.

Kylie sa masarap na handaan
Naghiwalay na rin pala sila ni Andres Velencoso, ang kanyang Spanish beau for five year. Cougar level siya dun kasi 10 years ang pagitan nila. Oh well, I'm sure mas makakahanap siya ng mas masarap. Sa ganda niyang 'yon!

Into The Blue ang first single na mala-Spinning Around ang arrive. Nag-debut last February 3 ang music video at panalo sa pagka-stylish at glamorosa. Ikaw ba naman ang sponsoran ni Saint Laurent at Dior eh. At tulad ng Cry Me A River ni Justine Timberlake at We Found Love ni Rihanna, why not use a ka-look-alike of your ex as the love interest? Hhhhmmm... baka may after taste pa siya ni fafah Andres while doing the video.

2 comments:

Anonymous said...

how sad dahil sabi sa news eh tatanggalin na daw ang game na yan sa google online stores at di na mada-download anymore. goodbye flappy bird!
but dont worry dahil kung meron na kayo niyan sa tablets niyo ay makakapag-flappy bird pa rin kayo, wag niyo lang ide-delete.
Ikaw ate Melanie ilan na ba scores mo diyan? sabi kasi nila tayong mga bakla ang kulelat sa scores kapag naglalaro nito.
-anonymous beki

Rix said...

naiirita ako sa flappy birds. muntik mo na mabato ang ketai ko dahil sa apps na yan lolz

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...