Wednesday, February 19, 2014

Kiskis

Matapos naming manood nina Tracy at Ateh Paul ng GBBT last December, rumampa muna kami sa SM Sta. Mesa upang magpalipas oras bilang mahuhuli ng dating sa aming tagpuan si Gladys, isa pa naming kaibigan. Sa Booksale kami pinulot bilang suki kami doon. Sa paghahalukay ng mga lumang magazine ay may nakita akong kayamanan. Cover ng Tatler UK ang lalaking tunay na magpapayaman sa atin, si Prince Harry...


Man of the Year 2012 siya dahil sa photo scandal niya sa Las Vegas. Kaimbey lang at walang uncensored pic na lumabas. Todong pinigilan yata ni Queen Elizabeth. Sad tuloy mga beks. Pero hindi 'yan ang gusto kong isulat ngayon kundi ang bonggang ad ni Kristen Stewart for Florabotanica by Balenciaga...


Dedma lang ako nung una diyan dahil wit ko naman hilig magpabango. Kaya lang parang mas makapal 'yung page compare dun sa iba so inusyoso ko. 'Yun pala may part doon na pwede mong tuklapin para maamoy 'yung sample. 'Di kasi uso 'to sa local mags eh. Sa Avon brochure lang. Kiskis your palad to amoy the scent. Arte! At nung inamoy ko nga, PAK! Na-bet-an ko agad! Hanap ako online kung may nagtitinda. Waley. Ayaw ko naman sa mall kasi mahalya for sure. Hinagilap ko na rin sa mga tindahan sa Alphaland Magallanes kung may tester version pero napagod lang akiz. Tapos nabasa ko 'tong blog ni atey...


NAKAKALOKA! Seven kwit pala ang presyo! Ganun na pala ang presyo ng mga awtentik na pabango? Parang appliances na ang katumbas. Dahil diyan, antayin ko na lang ang version nito ni Joel Cruz.

Lord of Scents, can you hear me?

8 comments:

Anonymous said...

nakakaloka isa ka plang may ginto sa bunganga ng ipinang ganak kaya mu bumili ng mga bagay instance naamoy mu lan punta k agad sa online store .. nakakaingit k nman sana kapatid kita pra hingi aq sayo ng datung kc wla aq pamasahe..

yccos said...

Ahahaha... Sa cash and carry siguro meron.. Maharlika much nga sya.. Kalerkx.

Anonymous said...

Ate, saan nakaka buli ng mga tester version ng mga pabango? at magkanu ang bigay nila?

Gelo

Anonymous said...

Keri mo na ibayla yan, inang...malay mo, dahil sa amoy na yan ay maattract sau ang isang guy na kapeslak ni richard pangilinan...saan kp!! Tsaka ricka peralejo k nmn nuh...nkaka 30k k nga isang buwan sa sahod mo eihhh...

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, pati tonsils at gilagid ko made of gold. Halika bigyan kita ahahaha!

-Teh yccos, ay! Makagora nga sa Cash & Carry. 'Di pa akez naliligaw diyan eh.

-Teh Gelo, madami sa Alphaland Magallanes. Rampage ka dun!

-Teh Anonymous 2, may maaakit nga pero dahil sa mahal niyan, wala na akong pang-allowance sa kanya. Iiwan niya rin ako huhuhu :'(

Anonymous said...

Teh try mo sa cash and carry sa makati

Anonymous said...

Ateng, tulungan mo naman akez mkahanap ng CHristina Aguilera perfumes.. I'll be back in Manila by May.. Ginalugad ko na ang buong Cebu pro wala talkaga.. argghhh!!! Hope you can suggest where I may find them.. :(

-PersephoNelly

Anonymous said...

Mga teh tinanung ko suki ko s cash and carry wla raw o wala pa cla ganyan, pti ung nagttanung ng Kristina aguilera perfume wala din bka hndi prin sya available.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...