Monday, February 17, 2014

Sandwich

Pinasinungalingan ni Sen. Jinggoy Estrada na dinalhan siya ng kickback ni Ruby Tuason mula sa sarili nitong pork barrel na dumaan sa maanomalyang tanggapan ni Janet Napoles. Imbes na pera, meryenda daw ang dala nito. AHAHAHAHA!!! JUICE KOH!!! Ang dami kong tawa ditey. Infernezzz wala sa itsura ni madam na magbibitbit ng malalaking plastic na may lamang styrofor, magbebenta sa loob ng senado at maglilitanya ng...

Image by Benjie Castro via GMA News
     "Senator, may dala ako ginataang bilu-bilo, lumpiang sariwa, kamote fries at mamon. Anong gusto mo?"
Dahil matalas ang memorya ng senador, nakatatak na sa kanyang utak ang klase ng meryendang madalas 'ialok' sa kanya ni madam. Sandwiches daw galing Milky Way. ABA! Saan ang Milky Way na 'yan? Mas masarap ba 'yan sa gawa ni Aling Julie's at Mang Tinapay? Kakagutom. Na-miss ko tuloy ang Violet Cream Loaf worth tweyni peysos.

Sa tingin niyo mga ateng, anong klaseng sandwich kaya ang madalas bilhin ni senator kay Aling Ruby?

     A. Ham & Cheese

     B. Chicken Sandwich


     C. Bacon & Egg


     D. 'Pork' Sandwich



9 comments:

Anonymous said...

D. Pork barrel..este sandwich!

Anonymous said...

Naku sinungaling talaga!

Anonymous said...

sobrang tawa ako sa last pictyur, burger na anda ang palaman, parang ang sarap niyan pero im sure na mahal. haha
-anonymous beki

Anonymous said...

In fairness maganda si madam ruby!

Rix said...

nyahaha natawa ako sa sandwich... sana matunawan sila lolz.

Edgar Portalan said...

ba't wala sa choices and money sandwich he he he

Anonymous said...

Green-bucks sandwich.....hahaha!

Anonymous said...

ano b yan papano b mag coment kc batas na ang cybercr law nka tali na ang bawat key ng keyboard ko hindi ko mapindot ano b yan fiesta na si sen sotto khit ano sabihin nya sa madla..... siya

Anonymous said...

Perk and Buy-con yan!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...