Friday, March 28, 2014

Daluhan

Paula Shugart, Maria Gabriela Isler and Stella Marquez-Araneta
Image courtesy of Missosology.org
Dumating kahapon ang presidente ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart kasama ang reigning queen Maria Gabriela Isler para personal na daluhan ang Binibining Pilipinas na gaganapin sa Linggo, Marso 30. Pero bago 'yan ay bibisitahin at tutulong muna sila ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Kagabi ay nagkaroon ng pre-pageant activity at ibinida dito ang magaganda nating national costumes made in the Philippines. PAK! Eto na kaya ang bonggang simula ng pagdadamit ng Filipino designers sa ating mga Binibini? Expired na kaya ang 'kontrata' ni Madam Stella kay Colombian designer Alfredo Barraza?

May rare moments rin dito kung saan tatlong reyna ang bonggang nagsama-sama sa iisang event: Miss Universe, Miss International and Miss Supranational.

Before I forget, dapat ko nang isambulat sa inyo ang sampung binibini na aking aabangan at nawa'y palarin na makasungkit ng korona. Heto sila...

Todo suporta ang mga Cebuano kay Kris Tiffany Janson. Minsan lang dumating ang ganitong mestiza Filipina beauty kaya sana ay palarin siya. BOOM na BOOM sa kaseksihan 'tong si Aiza Faeldonia na nagmula sa Mindanao.

Expensive. 'Yan ang karapat-dapat na titulo sa kagandahan ni Laura Lehmann. Malakas na bentahe ni Emma Tiglao ang kakaibang hugis ng kanyang mga mata.

Kamag-anak daw ni dating Miss Universe Gloria Diaz itong si Joy Diaz. Magamit kaya niyang advantage 'yon para mapili bilang semi-finalist? Si Yvethe Santiago ay beterana sa pagandahan sa Bicol kung saan galing si inang Venus Raj. Halos magkatulad din ang kanilang tindig at postura.

Nalilito ako dito kina Kimverlyn Suiza at Bianca Guidotti. Hindi naman sila magka-fez pero parang iisa lang ang tingin ko sa kanila. Nevertheless, pasok sila sa banga ko.

MJ, MJ, MJ Lastimosa... huling taon na 'to na pwede kang sumali. Sana naman dinggin ni madam ang hiling namin na sana'y makoronahan ka. Mala-girl-next-door ang arrive nitong si Hanna Dela Guerra. Pwedeng artista!

Abangan din natin ang special performance ni Emin, ang international star na kumanta during the evening gown competition ng Miss Universe last year. ABA! Talagang pinaghandaan ni Madam Stella ang coronation night ah! Hosted by Xian Lim and Anne Curtis, watch the most beautiful Filipino tradition only on ABS-CBN.

6 comments:

Anonymous said...

bet ko si MJ lastimosa kaso retokada eh, daming mga kapwa pinoy na naman ang manlalait at kukwestyon sa kanya pag sya nanalo bilang miss universe-philippines. pero sa totoo lang sya ang bet ko magrepresent sa miss universe kasi feeling ko super experience na sya ang malaki ang chance kasi mukhang latina. kung hindi man si MJ, 2nd bet ko si yvette santiago, maganda sexy at mala-latina rin.

Anonymous said...

that lehman girl sure is a miss international representative. hope she'll win that title. Mj lastimosa will get one of the titles in this year's binibini.

Anonymous said...

hindi matunog o fan favorite yung kapatid ni 2009 bb. pilipinas-universe biana manalo, kaloka. for me yung sisteret ni bianca wala syang dating, as in plain jane.

Anonymous said...

Madam Stella! Tapusin mo na nag mga Bazzura Gowns ni Alfrodo Barraza!

Anonymous said...

sana nilagyan mu ng bago katawagan sa kanila ang "BINIBINI___" (aka bimibining 45 o binibining 75) ang hirap hanaping ng bet mu sa gala night wla kang number na inilagay

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, kurek ka diyan! 'Di pa tayo kasing liberated ng S. Korea at Venezuela pagdating sa retoke. Sana talaga makoronahan si MJ :)

-Teh Anonymous 2, pak na pak 'yang placement mo for Lehmann.

-Teh Anonymous 3, maganda si ateng Nichole Manalo kaya lang 'di pang beauty pageant type.

-Teh Anonymous 4, MALAKING TSEK TSEK TSEK!

-Teh Anonymous 5, tsuri naman ateng. Eto na ang numero nila:

Binibini 13: Kris Janson
Binibini 07: Aiza Faeldonia
Binibini 11: Laura Lehmann
Binibini 14: Emma Tiglao
Binibini 09: Joy Diaz
Binibini 35: Yvethe Santiago
Binibini 15: Kimverlyn Suiza
Binibini 22: Bianca Guidotti
Binibini 25: MJ Lastimosa
Binibini 05: Hanna Dela Guerra

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...