Friday, April 25, 2014

Kutis (part 1)

Pasko ng pagkabuhay nang gumora akiz sa Let's Face It Trinoma branch para bonggang magpa-back cleaning. Bet ko kasing maging bacne-free tulad ni Marian Rivera at 'yun na lang ang kulang para maging ka-level ko siya. Pinapasok ako sa cubicle at pinaghubad ng t-shirt. Dumapa sa wit ko knows kung anong tawag pero mukhang kama na may nakapatong na tuwalya. Makitid at bitin. Anlaki ko naman kasi. Eto na si ateh at binuksan ang ilaw para simulan ang session.

"Kelan po ang last time cleaning niyo?"

"First time ko po."

"Ay sir! May allergies po kayo?" in nakakawindang na tone.

"Huh! Saan?"

"Dito po..." sabay turo sa upper at middle portion ng likod ko. Na-sight ko naman sa salamin. Reddish na parang mantsa. 'Di ba pwedeng i-Breeze ActivBleach na lang? CHARUZZZ!!!

"Pa-check up po muna kayo sa derma kasi mainit po 'yung cleaning session. Baka lumala 'yung allergies."

Naloka ako sa statement ni ateng. Nabahala tuloy me. "Ah ganun ba. Sige salamat." 

"Try niyo po sa branch namin sa SM North. May derma po kami 'dun blah blah blah..."

'Di ko na inintindi pinagsasabi niya. Nag-alala ang byuti ko. 'Di pwedeng masira ang kutis ko. This can't be. I will never allow this to happen. OMG! Arte.

Itutuloy...

3 comments:

jobologist said...

concerned citizen si ate heheheh

Anonymous said...

mas naloka ako sa "sir" na tawag sayo.
:-D
-anonymous beki

Anonymous said...

Sana may pica ng mga boylet....

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...