Wednesday, May 28, 2014

Iskinita

Bongga 'tong bagong medical procedure na ino-offer ng klinika ni Dra. Vicki Belo. Kaya nitong pasikipin ang na-road widening na iskinita ng mga babae. FemiLift also known as 'pussykip'. Nang una kong mabalitaan 'yan, ang dami kong tawa siguro mga bente kasi parang ang weird. According sa endorser nitong si Ai-Ai delas Alas, swak ito sa mga babaeng ilang beses nang nagsilang. One way daw ito para hindi magloko ang mga lalaki. So kapag masikip, lalo silang kakapit. Pwede ba sa atin 'yan kahit hindi tayo nanganak? I mean... ahhh... 'yung mga lumuwang dahil sa... AY! Hindi pala ako makarelate. CHAROT!

Anyways, usapang iskinita pa rin. Humihingi ng extension si Janet Napoles na manatili muna sa Ospital ng Makati habang nagpapagaling ng kanyang opera sa matris. Kamakailan ay napabalitang siya ay dinugo at ang itinuturong sanhi... pakikipagtalik. Sey ng kanyang doktor, tao rin daw si Napoles, may makamundong pangangailangan din. Todong idineny 'yan ng tinaguriang 'Pork Queen'. Napakamalisyoso daw ng balitang 'yan. Oh well, mas okay kayang mapagbintangang 'mahilig' kesa mangangamkam ng kaban ng bayan. Don't cha think sow?

2 comments:

Anonymous said...

Sa totoo lang, nakakairita na mga news ng ating bansa. Nakakaloka lang yang mga femilift etc. Kaya minsan di na lang ako nanonood ng local news. Big joke na lang. Anebey, ang nega ko.

Anonymous said...

natawa din ako nung una ko tong mabalitaan. by the way, bakit kaya ayaw magloading nung blog post mo na may title na "Kuwit", naka mobile phone kasi ako. sayang naman hindi ko tuloy makikita yung mga pica ng mga otoko, pero ita-try ko pa rin yung mabasa dahil gusto kong makita ang mga bago mong putahe sa karinderya.
-AnonymousBeki

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...