Saturday, May 3, 2014

Kutis (final part)

Click here for part 1
Click here for part 2

"Dito po tayo."

Ginabayan akiz ni ateng nurse kung saan nag-aantay ang derma. Maliliit na kwarto sa kaliwa ang nakita ko. All smile sa labi ko para friendly ang approach. Sa isang bukas na pinto siya pumasok at pinakilala sa akin si doc. Ang ngiti sa akin labi ay napalitan ng mainit na damdamin. Nagmula sa aking mga talampakan pataas sa aking bumbunan. Ang ine-expect ko kasi na titingin sa akin ay babae pero wit! Isang pagka-gwapong gwapong doctor. Pamilyar ang fes. Candy Cuties yata nung dalaginding ako. Nahulog at gumulong ang obaryo ko sa kilig.

"Hi doc!" nakabawi naman ako kaagad. "May papatingnan po akong allergy. Nasa likod ko po."

"Okay. Can I see?"

"Itataas ko na lang po 'tong damit ko."

Eh nakabukas ang pinto. Nahihiya me at baka may makakita sa masarap kong katawan kaya sinara ko muna. Ayan, itinaas ko na ang aking t-shirt sabay talikod sa kanya. Nalito pa ako kung saang parte ba 'yung allergy.

"Ayan po oh!"

"That's not allergy. That's an-an."

At dumilim at kalangitan. Kumidlat. Kumulog. Bumuhos ang ulan. Yumanig ang lupa. Nabiyak sa gitna. Ako'y nilamon. Paalam.

Pero 'di nangyari 'yan. Nasa clinic pa rin ako, nakatayo at kasama siya. JUICE COLORED!!! Pa-allergy allergy pa ako eh an-an lang pala. An-an means an-dumi ni bakla. An baklang 'di naliligo. An-tidy mo. Kaloka!

"Are you active in sports?"

"Hindi po."

"Do you go to gym?"

"Hindi rin po."

"Pinagpapawisan ka ba?"

"Opo."

Lutang na lutang akez habang nagsasalita siya. In bonggang English pa. Nosebleed me. Ang intense makipag-eye to eye contact ni doc. Hindi ko kineri kaya kung saan-saan tuloy ako napatingin. Sa pader, sa ballpen, sa bag, sa kurtina, sa paa, sa hindi dapat tingnan. Niresetahan niya ako ng sabon at binentahan ng solution. Ipahid daw twice a week para todong umepekto.

"If you need any information, you can text me at my numbers there." sabay turo sa reseta kung saan ko makikita. Pwede ka bang maging textmate doc? Uso pa ba 'yun?

Pagkaabot eh nagpaalam na akez at dali-dali lumabas hangga't kaya ko. Baka kasi 'di ko na mapigilan ang kakirian at siya'y pagsamantalahan. ECHOS!!!

Bago ko malimutan, eto nga pala siya...


Wakas.

12 comments:

Anonymous said...

Hi Ms. Mel!
Ateng si Albert Adrales nga!Medyo nag mature na rin siya at di ko matancha kung pumayat lalo or what.
Sharp ang features nya kasi di ba? parang nabawasan ang edges/contour ng mukha,so puedeng nagkalaman ng kaunti.

Pero for sure, lalo syang nag mestiso.Before parang nag aagaw na pinoy look & mestiso ang dating nito.Pero ngayon ALL OUT mukang Afam na talaga,tipong Kastila o Italian.

Winner ka talaga Auntie Melanie!

Anonymous said...

Teh may An-an ka pala? Anyareh? dali lang yan noh..... pag naligo ka try mo mainit na tubig....yung kumukulo mas mabisa para patay agad anan..echuz lang.... (di patay din skin mo !) kaya nga di ba sinasabi nila mga hot spring nakaka-cure ng mga kung anik anik na skin disease kasi nga di keri ng mga fungi ang init kaya ded sila.... pero sympre yan naman ay preventive measure lang kung medyo malala naman na di gamutin agad...gaya ng bigay ni guwapong doc...swerte mo teh, bakit naman di mo siya nilamon agad..sayang ..hahahaha

Anonymous said...

"that' not allergy, that's an an" EPIC!!! hahahahaha . Gwapo si doc pero walang dating hahahaha

Anonymous said...

meron bang mas hot na pica ateng? LOL waley dating itong pica nya eh LOL

Anonymous said...

Ang gwapo nga ni doc. I think he is one of us. Wink! Wink!

yccos said...

yummy! hehehe

Edgar Portalan said...

ha ha an-an pala , madali lang gamutin 'yan , maraming ap-ap solution sa Mercury Drug para diyan , o try mo Agua Oxigenada , 'yan pinapahid ni Mama sa akin nuong bata pa ako hi hi ... nawindang ka na naman kay Doc : )

Anonymous said...

parang super patpatin sya. nawawalan tuloy ng dating. anyway ateng m, infairness sayo, mula nang may magrequest ng raw pica ng mga ohms, medyo regular ka nang nagpopost. good job ateng. more pa sana. hehehe

Anonymous said...

taray ni doc. inglesero pero parang naaamoy ko sya? chos!

Anonymous said...

Bb M, para familiar ang face! try mo te M. search sa youtube Famous Pogay parang part sya dun!- piyu ross

Anonymous said...

Bb. M, " The Finest Pogay " un yung tamang title sa youtube -piyu ross :-)

Anonymous said...

Ah, si Albert Adrales yan! Model yan, circa 2002-2006. He did a lot of editorials, lalo na sa Cosmopolitan (naging part din sya ng mga unang 69 Bachelors way back). Swerte mo teh! -Ken

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...