Saturday, June 21, 2014

T-shirt

Ang ganda ng t-shirt ni Kap. Ang puti, ang linis, ang puro lalo na ang qoute na naka-imprenta dito. Naku! Walang make-up si Rep. Lani. Gandang-ganda pa naman ako sa kanya sa Blusang Itim. Need niya ng konting press powder pampa-fres. Pahiramin ko siya ng Ever Bilena Two Way Cake ko. Oh! Si Jolo pala 'yung nasa kanan. Dapat 'di siya nag-red kasi nakaka-itim sa kanya. Aaahhh... alam ko na kung bakit. Para terno siya sa kulay ng lettering sa damit ni Kap. 'Di ko na-gets agad. Slow lang. Bryan Revilla? Is that you wearing black shirt? Hows Maui Taylor? ECHOS! Ang luma ng issue. May iba pang tao sa likod pero wit ko na sila knowsline. Supporters obvious naman. Bakit ba ibang supporter ang naiisip ko?

Basta ako Kap, hindi naniniwalang magtatagal ka sa kulungan. Ang sikip at mainit diyan. Malamang magkasakit ka. Ayaw kong mangyari 'yan. Ma-hospital arrest ka pa. Sabagay, aircon dun. Pwera na lang kung sa ward ka ilalagay which I doubt. May semi-private, private at suite rooms naman. Tsaka paano na 'yung show mo every weekend? Dami ko pa naman natututunan 'dun. Sana payagan kang mag-taping kahit nakakulong ka. 

10 comments:

Anonymous said...

hindi na ako magugulat kung makakalaya din sya, wala pang isang taon. nakakaloka lang. pero infairness sa mga pinoy, yun mga initerview regarding sa pagkakakulong kay revilla, yung mga comment ng mga masang pinoy eh lahat sila masaya sa nangyari. nag iisip na talaga mga pinoy, di na nakukuha sa mga paawa effect.

Anonymous said...

the devil can cite scripture for his purpose

Yujin Wong said...

naku.... sa gobyerno ng Pinas pa?

ulit...

SA PINAS PA?!!!!!!!


---> maniwala ka.. makakalaya din yan.

Anonymous said...

Natawa naman ako sa post na to. Drama talaga ng mga Revilla!

Anonymous said...

Kawawa si nunal teh. Pano na ang perang ipamudmud niya galing sa sariling nilang bulsa? Wala ng mahihingan ng tulong ang mga taga Cavite kung ganon. Naawa talaga ako sa kanila kasi wala na si Kap. Siya pa naman ang idol ko. Mabait, masayahahin, magaling na asawa at tatay at lolo ng angkan niya. Hindi ko na talaga kaya teh. Puede kaya ang conjugal visit ko don. Kawawa si Kap. Magsariling sikap na lang siya.

Anonymous said...

Bb.melanie, sbe ni ate osang..anak daw ni king gutierrez si bryan revilla...at ang nanay? Yun ang malaking sino???

Anonymous said...

serious ka pinagsusulat mo teh???? kamote!!!!

Anonymous said...

Ang nega naman ng kements ninyo. Makakalaya ba sya? Well, probably. Pero para sabihin na "pinas pa?" Hello kung hindi nyo notice, this is happening globally, bumababa steadily ang corruption rate because of transparency brought but social media. Yung theatricals na ginawa ng mga revilla might have gained them sympathy if it was done 10yrs ago, but not now. Nagiisp na mga filipino (may wifi) ngayon. The future is bright! Cheret!

Anonymous said...

Kawawa naman ang pamilya Revilla... makukulong ng sandali ang padre de familia nila. Pero no need for us to worry kasi magkakasakit si Kap tapos nga mahohospital arrest. Mas maaawa ako kasi mapapanood ko syang nakawheel-chair habang umiiyak sa harap ng media. Poor poor Bong (pati na si Sexy at Tanda).

concerned bi-citizen said...

eh ano ba magagawa natin...


malamang galing sa nakaw ang pinakain sa kanya kaya isa din syang magnanakaw....

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...