Wednesday, August 20, 2014

Hipon

Pagpugot ng ISIS sa ulo ng isang US journalist, gera sa Israel, traffic congestion sa Maynila, buwis na ipapataw sa softdrinks, rape slay sa Bulacan, pagpapalawig ng termino ni PNoy atbp. ANO BA! Nakakasawa na ang bad news. Kaya ambilis uminit ng ulo ng mga tao. Panay nega ang nababasa't napapanood.

Ramon Bautista on the cover of his bestselling book
'Di man national issue 'to pero masarap yatang tikman ang 'hipon' ni Ramon Bautista. Dumayo siya sa Davao para magbigay aliw sa mga nakiki-fiesta, ayun nauwi sa 'persona non grata'. Kilalang astig na komedyante at may pagka-naughty si kuya pero todong na-offend sa humor niya ang ilang DavaoeƱos lalo na sa comment niyang "Ang daming hipon dito sa Davao. Alright!"*. Abusive at masamang impluwensiya daw sa kabataan kaya 'di na siya welcome doon. Agad-agad naman siyang humingi ng paumanhin sa inasal at tinanggap ang hatol ng mga opisyales ng Davao na may back-up pa ni Sara Duterte. Hala ka!

Minsan talaga ang pagpapatawa eh inilalagay sa tamang lugar. People may find you funny but that doesn't give you the license to make fun of them. At sana matapos na 'yung hipon vs. lechon comparison. Eh ano ngayon kung mataba o sexy na may chakang fes? 'Di dapat ganun kababaw ang tingin natin sa ating mga sarili. Let's appreciate what we have more than highlighting the imperfections. 

Spread love and good vibes everyone!

*from ABS-CBN News

5 comments:

Anonymous said...

hindi dapat sineseryoso mga bagay na ito. bakit nila ininvite si Ramon in the first place? obviously hindi nila alam ang ammo ni Ramon. na ganun mga tirada nya. Sana para hindi nalang sila na offend pari nalang or si Pope ang ininvite.

RoVee™ said...

ang bongga ng linya mo teh "Let's appreciate what we have more than highlighting the imperfections. "

bagay ka nga maging Miss International... charz!!!!

Masarap naman ang hipon ah lalo na pag sinigang... ^^

Anonymous said...

Oo medyo nakakaoffend yung sinabi nya pero he apologized naman na eh. Ang oa lang na na-persona non grata. Hindi ko idol si ramon nor i never liked his humor pero oa lang talaga ang ginawa sa kanya.

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, according sa shared FB post ni Inday Sara Duterte, he was a guest to a Smart Communications event. Hindi daw City of Davao ang nag-invite sa kanya.

-Teh RoVee™, AGREE! Gusto ko may labanos at sili :)

-Teh Anonymous 2, minsan kasi 'di sapat ang apology lang lalo na sa mga public figures. They have an image to protect.

Senyor Iskwater said...

Good point.

Ang joke pag nakakasakit at di nakakatuwa, di na joke. AYOSDito yata ang nag-invite sa kanya eh.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...