Tuesday, October 14, 2014

Miss World 2014 Philippines winners

For the first time in my 29 years of existence (pahiram ng linya manay Venus), eh nakapanood ako ng live grand local beauty pageant. Daming adjectives nun ah! Salamat kay BFF Kriselda for the complimentary tickets of Miss World 2014 Philippines. Ginanap 'yan sa Mall of Asia Arena last October 12 at first time ko ring makapasok diyan. So bale dalawang beses akong nadevirginize in one night. CHAROT!

Miss World 2014 Philippines - Valerie Weigmann (center)
1st Pincess - Lorraine Kendrickson (second to the right)
2nd Princess - Nelda Ibe (second to the left)
3rd Princess - Nicole Donesa (left most)
4th Princess - Rachel Peters (right most)
7 PM ang start but as expected, Filipino time ang naghari. Hinarana muna ni Jeric Gonzales ang crowd with his rendition of All of Me. Actually dalawa 'yung kanta. 'Di ko na maalala 'yung isa. Around 8 PM nag-start. The usual pakilala segment, swimsuit, evening gown, special awards, semifinalist and top 5. 'Di ko nga inaasahan na ganun kabilis ang pacing. Mas matagal lang ang pauses kasi the girls need more time to prepare as well as the production. 

Photos courtesy of OPMB Worldwide
Outstanding sa lahat ng portion si #19 Valerie Weigmann. Siya ang may pinaka pak na pak na rampa sa swimsuit at nang umispotlight siya for the evening gown, Oxana Federova ang peg. Tapos todong hinakot pa niya ang special awards. Hindi pa tapos ang show, alam na kung sino ang mananalo. Naawa nga ako dun sa ibang girls. Umeffort din naman sila kaya lang talagang mas makinang si #19.

Kitang kita ang disappointment sa supporters ng ibang kandidata pagkatapos matawag ang top 5. 'Di na nga napuno eh nabawasan pa ang tao sa arena. When Q&A portion came in, naiba ang ihip ng hangin sa area ko. Parang mas na-bet-an nila ang kuda ni candidate #1 Lorraine Kendrickson which eventually was announced as second to Valerie.

We have a good fight this coming December for Miss World 2014. Back to back win ang aim ng Philippines which is not impossible kasi bonggang nagawa ng Sweden (1951,1952), UK (1964,1965) at India (1999,2000). Kay Valerie kaya ipuputong ni Megan Young ang asul na korona? 'Yan ang 'wag na 'wag nating palalampasin. 

3 comments:

Anonymous said...

Bb M,
Love ko si Valerie since PBB days pa at lalo ko syang niluv nung nsa EB pa!
Anyway ang kuda ko ay para sa organizer! Ewan ko kng ako lang ang nakakapuna nito (pero malamang ako lng talaga) batch palang ni Gwendoline hangang ngaun eh para pre-determine na kung sino ang mananalo ung tipong ung ibang girls eh pang background na lang ba at kht na mageffort sila frm prelim eh clap girls parin ang bagsak. Hindi ko sinasabing hindi deserving ung mga nakoronahan dhl for obvious reason eh nakakaplace cla sa MW ang akin lang sana wag masyadong halata ung organizer sa gusto nilang manalo. ito ay opinyon ko lang naman kung mamasamain ninyo ok lang din naman pero sana wag natin gawing national issue -piyu ross

Anonymous said...

Im hoping as well na si Val ang maging MW 2014.
Maging posible lahat ng ito kung gagalinang ni Val sa lahat ng prelim portion at para lalo natin masigurado na makapasok sya sa Top 5 ay dapat maging 1 sya sa scoreboard at mayayari ito kng maglalaan lahat ng sang kabekian ng Php 1k or more pra sa vote card nya! remember guy iba na ang procedure ng MW ngaun di tulad nung time ni Ruffa G. Kaya mga Sis tipirin muna natin ang mga menchu natin para makasigurado tau na maiuwi ni Val ang MW 2014 crown muli ito si Piyu Ross

Anonymous said...

bet ko din manalo si valerie.. sana maka back to back tayu sa MW..mukhang crown ng mga santo un sa mga runner-up! sana ginawa nalang nila na small tiara para mas na highlight sa picture un crown ng miss world PH :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...