Sunday, October 12, 2014

Pukpukan

Tatlong bagong reyna ang idineklara ngayong linggo...

Miss Grand International - Cuba (center)
1st runner-up - Ethiopia (second to the left)
2nd runner-up - Canada (second to the right)
3rd runner-up - Australia (left most)
4th runner-up - Colombia (right most)
Nasa ikalawang taon pa lang ang Thailand-based beauty pageant na Miss Grand International pero lumikha na sila ng alingasngas sa bongga ng production. Ka-level halos ng Miss Universe ang preliminary competition at coronation night kaya agad-agad na nakapasok sila sa Grand Slam of Beauty Pageants ng Global Beauties. Si Miss Cuba, Daryanne Lees ang bagong may ari ng titulo. Sa kanya ipinasa ni Janelee Chapparo ng Puerto Rico ang korona.

Sa parehong araw naman (October 9) kinoronahan ang pambato ng Venezuela at Puerto Rico para sa Miss Universe 2015. Ang dalawang bansa na 'yan ang tinaguriang powerhouse of beauties ng South America.

Catalina Morales
Miss Universe Puerto Rico 2014 
Inulan ng kontrobersya ang pagkakapanalo ni Catalina Morales ng Guaynabo sapagkat hindi siya ang todong paborito ng mga utaw na maging Miss Puerto Rico 2014. Mas marami kasing maganda sa kanya. Ngunit sa pagandahan, 'di lang puro ganda. Dapat may talas ng isip at swerteng nakalakip. PAK!

Miss Venezuela Universo - Mariana Jiménez (center)
Miss Venezuela International - Edymar Martínez (right)
Miss Venezuela Tierra - Maira Rodríguez (left)
Pukpukan ang labanan ng dalawampu't limang kandidata sa Miss Venezuela 2014 pero si Mariana Jiménez ang nangibabaw. Siya ang may suot ng Guarico sash na ayon sa tsika eh kapag na-assign sa isang kandidata, paniguradong malakas ang kanyang laban. First runner-up si Miss Distrito Capital Lorena Santos samantalang second runner-up ulit si Miss Zulia Erika Pinto, same placement niya sa Miss Venezuela Mundo 2014.

3 comments:

Anonymous said...

Super boring talaga ng mga looks ng venezuelan. Pare-pareho na lang. Nakakaloka!

RoVee™ said...

ang gogondo nila graveh san ka naman nakakuha ng details nyan ateng...galing mo updated na updated ka sa mga beauty pagents abroad :P

Anonymous said...

kamukha ni alicia mechado un nanalo sa ms. venezuela miss mundo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...