Monday, November 17, 2014

Boracay (final part)

Ang daming pagpipilian
After our super late lunch, we decided na mamili na nang aming pasalubong for our love ones. Madaming pagpipilian sa moraytang halaga like keychains (8 for 100), ref magnets (50 each), bags (150++), purse (3 for 100), t-shirts (2 for 150) atbp. Paborito ko 'yung tsinelas na hugis nota. Nakakaeskandalo lang isuot ahahaha! Meron din foods like tuyo, daing, danggit, pusit, otap, and my favorite piyaya. Go kayo sa talipapa kung gusto niyo makamura. Mas mahal kasi kung sa may baybayin kayo mamimili.

Papasukin kaya ako sa SM 'pag eto ang suot ko?
Eto ang tunay na masarap!
Bago lumubog ang araw eh nakabalik na kami sa hotel. Konting pahinga lang at lumarga ulit sa rampahan. 'Di na sumama si Jamie at may sarili siyang nilakad. Nilakad daw oh!?! Change swimsuit ulit. Dapat glow in the dark nang sa gayon eh malambat na ako. Helleeer!!! Last night ko na 'to, wala pa bang afam na nais tumikim ng aking tilapya? ECHOS!

Best, 'di makapag-antay na maluto? Ahahaha!
Nagsisimula nang magset-up ang mga restaurant. Kahit saan ka lumingon may nagfa-fire dancing. Aliw na aliw ang mga turista na karamihan ay mga Koreano. Hala... lakad pa more! 'Di ko pala nabanggit, since day 1, bukambibig na ni Chris ang choriburger. Nakwento ng katrabaho niya na masarap daw at 'di dapat palagpasin. Sige na nga, pagbigyan tutal fifty pesos lang naman. Simple lang ang preparasyon, inihaw ang chorizo at buns saka lalagyan ng special sarsa. Habang inaantay naming maluto, tatlong afam ang lumapit. 'Di magkasundo kung anong o-orderin so umepal ako.

"Try choriburger."

"Really?"

"Yeah! Cher cher ar ar boom ra ra."

Nosebleed ang bakla. Naitawid ko naman kahit papaano pero 'di na ako uulit ahahaha! At para naman may souvenir ako na may kasamang afam eh nagpapicture kami sa kanila. TSARAAAN...

So triangle ang peg natin. Ganern?!?
Oh de vaahhh?! Dalawang afam 'yan. Sabi ko sa inyo more afam sa last part eh. AMP! Puro babae pala ahahaha!

Sa ganda ng isla, wala kang mararamdamang pagod. Nakarating ulit kami ng station 1. 'Di tulad sa station 3, solemn ng buhay dito. Konti ng tao. Sa kakalakad, nakarating kami sa isang resort na may wedding reception. Ang ganda ng ilaw-ilaw effect! 'Di pwedeng 'di magpapicture. Kebs sa lumalafang sa background.

Pare-pareho pala kaming naka-fenk
Bet ko pa sanang maglakad kaya lang parang ang dilim na sa dulo. Sige, go back na lang kami ulit. Malapit na kami sa grotto nang mag-ayang magtampisaw sa dagat si Joe. Sama ako diyan! Ayaw ni Chris. Mahapdi kasi ang singit. Siya na lang ang nagpicture sa akin. Ginawa kong photo studio ang dalampisagan.

HUY! Sinong sinisipat mo diyan?
Tumawag si Jamie. Tapos na daw ang 'nilakad' niya. Sinalubong namin siya sa station 3. Bumalik muna ako sa hotel para magpalit before kami mag-dinner. Sina Joe at Chris babalik daw muna sa pasalubong station. Text text na lang. Change swimsuit ulit. Naka-tatlong palit ako sa isang araw pero nasan ang mga afam? Malapit na akong mabaliw ha!

Back to rampahan. I decided to have a cookie and a cup of coffee sa Bo's para kunwari alta ako nang biglang... WTF!!! Ang lakas ng ulan! NOOO!!! This can't be happening huhuhuhuhu! What about my sexy outfit? What about the afams? WAAAHHH!!! Nagalit yata si inang kalikasan sa kahuhubo ko. Ayan tuloy pinarusahan ako. We actually waited for the rain to stop up until 2AM pero pinagsawaan na kami ng lamok eh umuulan pa rin. Nagka-blackout pa sa buong isla. Sobrang dilim ang you can see that the waves are getting higher. KALURQS!!! Wala na talaga so we ran back to La Carmela. Ang layo din nun ah!

October 19. Last day. 5AM gising na kami to prepare. In one hour dadaanan na kami ng service papuntang pantalan. No chance to have a one last look sa beach. 'Di na umuulan but still gloomy outside. So long Boracay. I'll see you again soon. I'll make sure next time 'di na ako tengga. Ako'y magiging mabenta.

And before I end this series, Ateh Renz emailed me asking how much did it cost me for the entire trip. Samahan niyo akong mag-kwenta...
Roundtrip ticket via AirAsia - 1354.72php
La Carmela de Boracay - 1785.00php
Transportation from airport to hotel (back & forth) - 1020.00php
Pocketmoney (food, pasalubong and misc. expenses) - 5000.00php
Total - 9159.72php
In less than 10K lang, pwede ka nang mag-enjoy nang bongga sa Boracay sa loob ng tatlong araw. Mas mapapamura ka pa kapag marami kang kasama.

Wakas

6 comments:

Renato Santos said...

thanks ate Mel..

Anonymous said...

Bongga ateh Melanie! Tipid trip pala yan :) Sayang at walang afam na pumapak sa iyo, hehe
- Ateh Ken

Anonymous said...

Te yung La Carmela ba magkano ang rate doon? Pag 4 days and 3 nights? - Gab

Melanie said...

Teh Anonymous 1, good for 4 persons 'yung room na kinuha namin worth 1785php per day. Sa MetroDeal ako bumayla. Eto ang link...

http://www.metrodeal.com/deals/Metro_Manila/Boracay/698221817

Kathleen Reyonda said...

So dun po sa P1785 na room nag share po kau sa bayad ng mga roommate mo po?

Melanie said...

Teh Kathleen, yesterday once more and more! Apat kaming nag-share para mas murayta :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...