Thursday, November 13, 2014

Bulalas

Image courtesy of Rappler
Bakit naman todong umurong sa debate nila ni Senator Trillanes ang pinakamamahal nating bise-presidente? To think na siya 'tong naghamon. 'Wag ganun! KBP pa nga ang umayos ng kanyang request tapos ngayon wit na matutuloy.

According sa tagapagsalita niya, 'di daw ito umatras kundi umayaw lang. So anong pinagkaiba ng dalawa? Let's use it in a sentence:
1. Ayaw ko na sa' yo kasi sunog ang longganisa mo. Mas bet ko ang half-cooked.
2. Masikip! Mabuti pang umatras ka na lang at baka ako'y duguin.
Magkaiba man ang gamit, iisa lang ang ibig ipahiwatig... hindi natuloy.

Oh well, pare-pareho lang naman ang mga pulitiko sa ating bansa. Ang tatapang kumuda sa umpisa pero kulang sa gawa. 'Pag naihalal na, nakalimutan na 'yung mga ipinangako. Palagi kong naririnig na excuse - kulang sa budget. Halos lamunin na nga ng tax ang sahod at mga bilihin, kulang pa din? Teka, nalayo na tayo sa original topic. Nadala ako masyado.

'Di bale VP Binay, may natutunan kaming leksyon sa nangyaring ito. Sa susunod, bago kami magbulalas ng saloobin eh pag-iisipan muna namin ng ilang beses. Tse-tsekin nang maigi kung mapaninindigan ba para 'di lumabas na kahiya-hiya.

6 comments:

Edgar Portalan said...

Sayang inaabangan ko pa naman sana yan ... umurong ang bayag ni Nognog ha ha ha .... yan ang mukhang guilty ....

Anonymous said...

Ngayon lang ako nakakita ng isang Vice President na umaasta nang "Presidente".

Napaka Hipokrito!

Anonymous said...

Ang nakakatakot nyan, ayon sa latest survey, sya pa rin ang nangunguna sa pagka presidente. Grabe! hindi ko kakayanin kung sya man ang manalo! 6 months akong mag cecelibate wag lang syang manalo! shit talaga!

Anonymous said...

ang kapal talaga mga mukha ng mga yan... obvious na eh hindi pa mag resign. matatalino nga ang mga netizens pero ang mga ordinaryong tambay sa kanto for sure iboboto parin yan

Anonymous said...

oo nga. bise pa lang kung umasta daig pa ang presidente. pati anak nya ang hilig magsabing hindi daw akma sa level ng tatay nya ang senate hall. sana nga pulitika lang talaga lahat yun at walang katotohanan ang bintang, dahil ang saklap naman dahil mukhang malakas siya sa masa, dahil "mahirap" daw sya.

Anonymous said...

Ang gwapo at hot talaga ni trillanes.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...