Sunday, November 30, 2014

Miss Earth 2014 winners

Another good news sa larangan ng pagandahan. Pilipinas ang nagwagi sa ika-14th edition ng Miss Earth na ginanap sa UP Theater kagabi, November 29. Second time na nating makuha ang bonggang korona. Nauna si Karla Henry noong 2008.

Miss Earth 2014 - Philippines
Miss Earth Air 2014 - USA
Miss Earth Water - Venezuela
Miss Earth Fire - Russia
Puno ng kontrobersiya ang pageant (what's new?) dahil feeling ng iba eh pinaboran masyado ang Pinay beauty ni Jaime Herrell. Anong magagawa nila kung talagang palaban tayo? At alam niyo naman, basta galing Cebu, paniguradong brainy kaya pagdating ng Q&A, maning mani ni inday! PAK!

Since 2011, consistent sa top 4 ang mga babaita ni Osmel Sousa mula Venezuela. Sariwang makita sina Miss USA at Russia bilang elemental beauties. 'Di man lang nakapasok sa top 16 sina India at Dominican Republic na heavy favorites ng pageant enthusiasts.

Commendable din ang production this year. Pinaghandaan ang stage design at may globo effect pa. At least hindi na sa pool rumampa ang mga merlat. Todong lively ang introduction number at palong-palo ang hosting skills ni Joey Mead. International level talaga 'yang kakambal ko ahahaha!

Eto na ang magandang simula mga ateng. Magtuluy-tuloy na sana hanggang sa susunod na buwan at nakapila na ang Miss Supranational, Miss Intercontinental at Miss World.

3 comments:

Anonymous said...

anik ateng ang question and answer na nagpanalo kay miss philippines? wala ako ma-google.

Anonymous said...

Ang tanong sa kanya: "If you win tonight's crown what will you do to reverse global warming?"

Sagot ni Miss Philippines: "Global warming has been known to be a long, overdue issue. I will use my title to inspire others, help our environment, and we start with the kids... the kids are the people of tomorrow."

Anonymous said...

Anu ba yan protesta tlaga! Dapat lose or win mega support tayo sa representative natin! at hgt sa lgat wag tayong magbabash ng ibang nationality para di rin mabash ang candidata natin! sabi nga ng mga past beauty queens! 90% luck and 10 % performance/attitude/personality at looks kapag nasa international pagent ka na! kya dpt makuntento tau sa kung anumang maachive ng represantative natin. - piyu ross :-* :-* :-*

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...