Saturday, November 8, 2014

Tantya

Miss na miss ko na ang mag-Melarazzi sa mga tren ispeyshali sa MRT. Walang chance maka-spot ng masarap dahil rush hour na ako nakakasakay. Ibang level ang siksikan. Kesehodang maliit na space, todong papatusin mo makapasok lang sa loob.

♪ Hawak kamay... sa ating paglalakbaaayyyy.... ♫
Nagsimula ang training ko last Wednesday para sa susunod kong trabaho. Muntikan na nga akong sumuko nung unang araw dahil sa haggardo versoza ang byahe. Nagkamali ako ng tantya at nagkanda-ligaw pa. Ayun! Late ako ng 50 minutes. Nakakahiya! Then the following day, late ulit ng 25 minutes. HANUBAYAN! But I won't give up! Vuhket? Because may nakita akong rason kung bakit kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulan...

Isa 'yan sa client at nagte-train sa amin. Paolo ang name. Humihinto ang pag-inog ng pantog ko sa tuwing siya'y nagsasalita. Na-lab at pers sayt akiz. Wow ha! Ilan na ba nasabihan ko niyan? Ahahaha! Halos magkasing-tangkad lang kami and you know, weakness ko ang mga ohms na may salamin. Ang seryo-seryoso niya at palaging nakasubsob sa... iMac ba tawag sa laptop ng Apple? Basta ayun! Tapos may habit siyang kagat-kagatin ang labi niya. Nahuli ko nga siyang nakatingin sa akin habang ginagawa 'yan. Feeling ko, gigil na gigil siya sa sarap ko. Assuming much de vaaahhh!?! 'Wag niya lang 'tong mababasa at baka mawalan ulit ako ng trabaho. Ahahaha!

Hopefully mapasa ko ang training na tatakbo ng tatlong linggo nang sa gayon eh maging empleyado akong muli at maging bongga ang Christmas season. Ang hirap pa naman makahanap ng trabaho. Mwah! Mwah!

5 comments:

Anonymous said...

Pansin ko lang. Pag PAULO or PAOLO ang name, either gwapo or masarap or may dating talaga.

*juan_uwagan*

Jeff said...

In fairness Ateng, may K ang Paolo! Office crushes are always a great source of inspiration & motivation kahit haggardo versoza with everything else sa trabaho & commute. I'm crossing my fingers (& toes na rin for more galore) na makapasa ka. Good luck Ateng & fight lang nang fight! :)

P.S. Ang laptop ng Apple is called a MacBook.

Edgar Portalan said...

gorabels lang teh lalo na at may inspiration ka he he ... at ang mentor pa mandin ...hala ka kapag nabasa niya ito he he : )

Melanie said...

-Teh juan_uwagan, sino naman ang maswerteng Paolo ng buhay mo?

-Teh Jeff, KUREK! Kahit nakakatamad pumasok, mapipilitan ka para lang masight si crush ♥ MacBook pala ang tawag doon hihihi!

-Teh Edgar, wish ko lang talaga 'di niya mabasa 'to :p

Anonymous said...

Mama Melanie, dapat may pic ka na nakaharap siya. sabay kagat labi.

teehee.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...