Wednesday, December 31, 2014

Torotot

Ang daming bata sa labas ng balur. Panay ang ihip sa kanilang mga torotot habang 'yung isa, kumakanta ng Just Give Me A Reason. Isang taon na naman ang pinagsamahan natin mga ateng and I'm so happy that we survived it! Handa na ba ang media noche niyo? Nakasabit na ba ang ubas sa pinto? Puno ba ng barya ang inyong mga bulsa? Naka-polka dots ba si madir?

Bago niyo sindihan ang inyong mga paputok at lantakan ang fudang sa mesa, let's take a quick look back to some of the highlights that we shared this year...

UMAAPOY NA BALITA
Full force ang Pamilya Revilla kasama na si Ipe at ang dilaw na traktora sa privilege speech ni Sen. Bong Revilla. Kahit diagnosed with cancer, all smiles at witty pa rin si Sen. Miriam. Mula #1 ay bumagsak ang trust ratings ng mga Pinoy kay VP Binay dahil sa diumanoy tagong yaman nito. Good news naman ang hatid ni Jamie Herrell na tinanghal na Miss Earth 2014

BASA AT NOOD, NOOD AT BASA
Katotohanan at realisasyon ang hatid ng libro ni Noringai. Panalo ang 51st edition ng Binibining Pilipinas sa pagpunta ni Miss Universe 2013 Gabriela Isler. Matinding sakripisyo ang ginawa ni Elise Kang para sa kanyang minamahal. Mananatili sa aming puso ang mga nobela mo, Ms. Martha Cecilia.

TUGTOG
Dream come true ang makita nang personal ang teenage crush kong si Shane Filan. 'Di man masyadong kinagat, tuwang-tuwa pa rin ang die-hard Kylie fans sa kanyang new album. Sweet pa rin ang image ni Hilary Duff sa kanyang mga comeback singles. Xtina & Lady Gaga - who would have thought na ang minsang pinag-away ng fans ay magkakaroon ng perfect duet?

I WANNA BE A SUCCESS STORY
Long lasting ang dating ni Mister Slovenia 2013 candidate Blaž Zaplotnik. Wala na tayong hihilingin pa kung si Lucas Arantes ang pipitas sa ating aratiles. Tutok lahat nang manalong Manhunt Slovakia ang ex-military na si Adam Bardy. Na-love at first sight naman ako kay Mister Slovenia 2014 semifinalist Bojan Radusinović

SINE-SINE 'PAG MAY TIME
Tiba-tiba sa takilya ang unang dalawang pelikula ng Star Cinema for 2014, ang Bride for Rent at Starting Over Again. From book to movie, hit na hit ang Diary ng Panget na bumuo sa JaDine loveteam. Surprise win sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa perfectly made na English Only, Please.

EXTRA RICE PLEASE
Super sexy ni Dominic Roque sa promo pics ng The Naked Truth. Thanks to Chalk's Summer Boys 2014 at nakilala ko si Daniel Velasco. Nabiyak ang puso ko nang mag-resign si Glenn sa opisina. Lahat nahumaling sa taglay na kaseksihan ni Henrik Lagoni.

TRENDING
Ang pagkakapaslang na yata kay Jennifer Laude ang pinakamainit na isyu ng 2014. Dumarami na rin ang nagsasamantala sa kahinaan ng 'sangkabaklaan. Buti na lang at andiyan si Dyosa Pockoh upang maghasik ng good vibes sa lahat.

GULONG NG BUHAY
Masarap sa pakiramdam na maghatid ng kasiyahan sa ating mga lolo't lola. Kilig na kilig ako habang sinusuri ni doc ang balat ko. Halos ayaw ko nang bumaba sa taxi sa sobrang kapogian ni mamang driver. Flop man sa afam, at least napuntahan ko for the first time ang pamosong Boracay Island.

Ayan na! Malapit na mag-Year of the Wooden Sheep at according to Chinese horoscope, ang lucky color daw ay green. Perfect sa mga berde nating pag-iisip ahahahaha! I am so looking forward to share another 12 months, 52 weeks and 365 days with all of you. 

MASAGANANG BAGONG TAON!

8 comments:

Mc Wright said...

Happppy New Year!!!!!!!!!!!! Binibini! <3 Wish to read more and more of your hitik na hitik na entries. Love u. see u sa 2015 hahaha

Edward said...

Happy New Year bb melanie wish all the best and good health sa 2015 sana ateh marami ka pang ma isulat tungkol sa ibat ibat issue dyan sa ating baying magiliw di lamang balita tungkol sa atin mga kapatid kundi na rin sa lipunan. Keep on writing and I enjoy reading every issue of Todo Sa Bongga. I can't wait new story for 2015...from the land down under..love love love 2015

Edgar Portalan said...

Happy New Year Ateng ... sama sama sa blogging this 2015 ... God bless us all ... : )

Jeffrey said...

Happy New Year Bb. Melanie naextra pa talaga si Glenn hahahaha

AnonymousBeki said...

Happy New Year Binibining Melanie! Stay beautiful lang and go lang ng go sa pagbibigay saya sa amin. Mwah!

Melanie said...

-Teh Mc, sana nga mag-krus na ang ating landas ngayong 2015. More blogs to us!

-Teh Edward, maraming maraming salamat sa mabubuti mong salita :) I'm always overwhelmed kapag sinasabi 'yan sa akin ng mga kapatid nating nasa ibang bansa. Take care there!

-Teh Edgar, mas madami pang ganap para sa atin at sa PBO ;)

-Teh Jeffrey, eh kasi talagang minahal ko siya eh ahahaha! ♥

-Teh AnonymousBeki, I can't thank you enough for your continuous support. Maging fruitful sana ang 2015 mo. Mwah!

Anonymous said...

I feature mo nman c tom Rodriguez bb. Melanie pls Wag k mgsasawang magupdate sa blog mo. Inaabangan ko lgi posts mo. Good luck this 2015, good health and happiness to u bb. Melanie.

Anonymous said...

Ay bongga talaga! extra rice plisssss...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...