Thursday, January 22, 2015

Hampas

Para sa mga naka-miss sa preliminary competition ng Miss Universe kaninang umaga, eto ang complete performance ng nag-iisang dyosa MJ Lastimosa...

ARAY! Lakas mo naman makahampas ng balakang MJ. Nilatigo mo rin kami sa fierce hair flip mo at napa-nga-nga sa final posing sa swimsuit round. Todong elegante naman ang pagdadala mo ng Sampaguita-inspired evening gown na again ay gawang Barraza. Oh well, underwhelming man ang design at pinagmukha kang maliit, nadaan mo naman sa charm at class. Nawa'y naramdaman ng judges ang passion mo to bring the 3rd MU crown. Malakas ang pananalig namin na 'di mo kami bibiguin.

Umani muli ng batikos mula sa pageant enthusiasts ang bonggang national costume na aprubado at selyado ni Madame Stella Marquez-Araneta. Ewan ko pero baka na-inspire si Barraza (again?!?) sa Panagbenga Festival. Tinadtad ng bulaklak mula sa headdress, manggas at laylayan. Pero bakit ganun? Imbes na 'yung pista ang maisip ko, feeling ko eto ang inspiration...

Image from birdisthewordbirdistheword.wordpress.com
NAKAKALOKA!!!
NAKAKALOKA!!!
NAKAKALOKA 3 TIMES!!!

Basta 'wag kakalimutang suportahan at ipagdasal si MJ. Sa January 26 na (Manila time) ang coronation night na ipapalabas ng umaga dito sa atin. Delayed telecast sa ABS-CBN at sa mga hindi makapag-antay, may live broadcast sa cable at internet. 

7 comments:

Anonymous said...

teh melanie salamat sa post, sang internet site po kaya mapapanood ung live telecast

Anonymous said...

Galing ni mj! Bongga swimsuit walk... so far the best gown since Venus. Ateng mekani ka-aura mo sya hehe.

Gabriel said...

hahaha! sa normannorman.com sabi nila that is an insult to our culture, flowers aare not even endemic here in the Philippines. haha! The Filipiniana has not given justice. lol

Edgar Portalan said...

Ha ha Iced Gem ang peg sa dress : ) goodluck MJ

AnonymousBeki said...

Hahaha. Ang dami kong tawa dun sa food. Na-miss ko tuloy yung childhood ko.

Mali ang choice nung color. Parang nagmukha tuloy siyang plorera. But still, fierce pa rin siya. Humahalimuyak pa rin ang kanyang kagandahan. :)

Anonymous said...

Bazzura gown!

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, update ko ang page once I have the links.

-Teh Anonymous 2, ka-aura ng 'sangkabekihan si MJ kasi love na love niya tayo!

-Teh Gabriel, ewan ko diyan kay Barraza kung bakit ganyan ang design niya. Parang icing sa cake ang peg.

-Teh Edgar, alam mo 'yan ahahaha!

-Teh AnonymousBeki, buti na lang at exuding with confidence si MJ kaya kahit chaka eh nadala niya.

-Teh Anonymous 3, zinavi mo fah!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...