Friday, January 16, 2015

Inabala

Naghahagilap ako ng bagong libro ni Noringai noong Martes sa... saan pa nga ba kundi sa National Bookstore in SM North. Wala akong makita sa display. Tamang-tama at dumaan sa harap ko ang isang staff. Inabala ko saglit para magtanong. Waley daw stock. Pati 'yung kay Bianca Gonzalez, sold-out! Eh gustong-gusto ko nang makabasa ng bagong libro. Gora muna ako sa Precious Pages sa 3rd floor. Wala daw reprint ang latest novel ni Rose Tan. Baka bukas daw kasi every Wednesday ang delivery. So balik ako ng NBS at nakita ko 'to...

Bubay is a fictional character created by Ayi Santos, the youngest sister of Pol Medina Jr., ang genius sa likod ng Pugad Baboy series. According to the writer, ang komiks strip ay base sa kanyang mga karanasan sa buhay. Mga kwentong iniyakan noon pero bonggang nakakatawa na ngayon.

At habang binabasa ko 'to, hindi ko mapigilang matawa at maka-relate sa mga kwento niya. Ito 'yung tipong 'pag binasa mo, mapapa-"oo nga noh" ka sa mga punto niya. I specifically loved the "Noon at Ngayon" at "Facts of Life" section. Sayang nga lang at ang nipis nito. Todong bitin! Hopefully, the next edition will be much thicker para mas mahaba-haba ang tawanan.

Bubay is available to all leading bookstores nationwide for only 150php.

5 comments:

AnonymousBeki said...

Da best talagang basahin ang mga nakaka-relate na babasahin. Mapapangiti ka at di mo mapipigilan. :)

I want that book!

ZaiZai said...

Ay bet ko si Bubay! Lagi kong binabasa ang Pugad Baboy sa comic section ng dyaryo pag may time :)

Hanap ako nito sana may stock pa..at sana magka stock na ng mga hinahanap mong book Bb Mel :)

Mc Wright said...

wow. nice. hanapin ko nga yan :)

Tiny said...

Maraming salamat po! Nalakataba kayo ng puso. Actually, nakakataba kayo ;)

Available din po ang Bubay sa lahat ng Comic Quest at Pandayan stores, Sa Uno Morato, at sa Popular bookstore :)

MaBUBAY!

Tiny said...

Maraming salamat po sa inyo! Nakakataba kayo ng...ng...nakakataba kayo! ;)

Available din po ang Bubay sa lahat ng Comic Quest at Pandayan stores, sa Uno Morato, at sa Popular bookstore :)

Abangan ang book two!!!! maBUBAY!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...