Sunday, January 4, 2015

Umaasam

Mary Jean 'MJ' Lastimosa
Miss Universe Philippines 2014
Lumipad at nakalapag na sa Amerika si Mary Jean Lastimosa, ang pinakamagandang Pinay byuti queen of 2014 na lalaban sa Miss Universe. Ilang buwan din ang ating hinintay sa kanyang laban at todong malakas ang ating laban. Ngayon pa nga lang eh marami na ang umaasam na siya na ang makapag-uwi ng ikatlong Miss U crown. Sana naman dahil wit pa akong buhay nung si Margie Moran ang kinoronahan noh!

Photos courtesy of I AM FOR MJ ALL THE WAY FB group

Animal print, black stockings, closed shoes, big hair and her pearly whites ang kanyang official look sa airport. 'Di ko masyadong bet ang pagkakaayos ng hair. Medyo magulo ang hati pero overall, KABOOM ang dating! Bago siya nagflylaloo, ininterview muna siya ng press at nagpa-photo op sa kanyang fans. 'Yan ang isa sa nagustuhan ko kay MJ, wala kiyems sa lahat ng gustong magpa-picture. All smiles hanggang mata. Wit mo mararamdaman na napilitan lang. Kaya ang daming nagmamahal sa kanya.

We wish you all the best MJ! Ipagdarasal namin ang tagumpay ng Pilipinas.

#MJAllTheWay

5 comments:

AnonymousBeki said...

I wish na siya nga ang manalo. She's really beautiful at tingnan mo naman ang body, curveyshious na curveyshious! Actually magka-level kayo teh sa kariktan at alindog!

Anonymous said...

bring home the bacon teh MJ! push mu yan teh!

Anonymous said...

mala-latina na itong si MJ. puro fake ang parte ng katawan. sa teeth pa lang, juice colored! parang isang dekadang inayos ang implants!

ZaiZai said...

Good luck MJ! Baka bagong gising look ang peg ng hair ni MJ hehe :) Anyways, let us all pray (sangkabaklaan) sa ating patron saint para mauwi ni MJ ang crown :)

Happy New Year Bb Mel! :)

Anonymous said...

ewan ko ha, pero halatang halata ang retoke sa kanya. sa ngipin pa lang na super perfect, halatang implants. mukha syang latina na puro retoke sa katawan

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...