Thursday, March 19, 2015

Angkla

That Awkward Moment:

Sa dami ng masasakyan, sa iisang jeep pa kami nagkasabay nung naka-date ko dati.

Boylet: Musta na?

Ako: Okay lang.

Automatic na napatingin ako sa naka-angkla sa kanya. Siguro jowa. Hhhmmm... tiningnan ko mula ulo hanggang paa. Blonde ang buhok, plakado ang kilay, mapupula ang labi, panay retouch using her San-San powder, may kumikinang na hikaw at ang pinaka sa lahat, nagmumura ang cleabangbang. Razor back at p*kp*k shorts ang suot. Makinis na, malaman pa. Sobrang kabaliktaran ko.

Gusto ko sanang tumingin sa salamin, ikumpara ang sarili, maawa at mag-walling. Ganun kasi 'yung lagi kong naririnig sa iba eh. Pero walang salamin at pader sa jeep tapos ang dilim pa. Kaya tiningnan ko na lang ulit si boylet. Mukhang pinagshopping siya. May naaninag akong t-shirt sa plastic na dala niya. Mayaman siguro si ateh.

'Di bale, 'pag nakahanap ako ng iba, ako ang ipagsha-shopping.

Ako: Mama, sa tabi lang po!

Baba ako. Lakad ng konti sabay atras. May bibilhin pala ako sa botika. 'Pag lingon ko, nasa likod sila at nakatingin si boylet sa akin. Hhhmmm... ako pa rin siguro ang gusto. Ahahahaha! Wish ko lang!

5 comments:

pearlly shell and sponge bob said...

Wag ng malungkot Ate M! dahil ang ganda nating taglay ay hdi pangpinoy kundi pangforeigner!..... Wag din malungkot kung nakita mu syang pinagshopping cya nung bagong asawa nya ang isipin mo na lang nagkasama kau isang gabi na ganda lang ang puhunan!

Anonymous said...

you are sooooooo fuckingly funny melai!! hahahahahahaha i love it! maka-melai lang eh noh? hahahahaha sana laging may ganyang article ka ateng PLUS ako yung laging nag rerequest na sana may RAW picas ka lagi, basta kahit hindi hubad basta yung mga tulad nung hot taxi driver lang hahahaha

Edgar Portalan said...

Ha ha ikaw pa rin ang kaniyang nilalasap at di maalis sa kaniyang panlasa he he

Anonymous said...

Ate hindi ka nagkwekwento ng nga escapades mo.. virgin ka pa ba?joke

Anonymous said...

supot? it means sa palengke or divi namili? charot. hahahha

-renz

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...