Saturday, April 11, 2015

Limang Salita

Sa buong tag-araw, Abril na yata ang pinaka-mainit na buwan. Zero chances of rain at kung meron man, sandaling sandali lang. 'Yung bago pa makababa ang ulan sa langit, natunaw na sa sobrang init ng paligid.

Umpisa na rin ng bakasyon ng mga estudyante kung saan umuuwi sila sa kani-kanilang probinsiya o magbabakasyon kasama ang mga kaibigan at kapamilya. Boracay, Palawan at Puerto Galera ang madalas puntahan. Kung ayaw lumayo sa siyudad, nandiyan ang Loreland at Bosay resorts sa Antipolo

Be sure to be at your best kapag ganitong season dahil malay niyo, makatagpo kayo ng "summer fling". Kapag nasa beach, wear your most sexiest and skimpiest swimwear. Dedma kahit kita ang taba at obvious ang ube halaya sa katawan dahil ang mahalaga, may bitbit na kalandian. 

Kung sa mall at diyan-diyan lang pupunta, ilabas ang makikinis na legs at flawless shoulders. Wear bright colors. May karapatan kang mag-backless at ispageti ngayon. Uso pa rin ang high-waisted puki shorts. 'Wag kalilimutang iwasiwas ang balakang habang naglalakad. Ewan ko lang kung 'di matakam ang mga boys ahahaha!

Laging pakatandaan, daig ng malandi ang maganda. Isa-isip, isa-puso at isa-buhay ang limang salitang 'yan. 

And here's my official summer song, Nicole Scherzinger's Baby Love. Watch niyo kung paano niya hawak-hawakan at amuy-amoyin ang lalaki niya. Perfect da moves this summer!

2 comments:

AnonymousBeki said...

Bukod sa mga nabanggit mo, uso din ngayon ang paggala sa mga Festivals lalo na sa mga lugar o probinsya na may mga ganoong events.
Bet ko itong post mo Madame. May kalandiang taglay hihi.

AnonymousBeki said...

Nga pala. I like your new blog picture. You look like a celebrity!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...