Friday, May 15, 2015

Sustansya

Ano 'tong tsismis na bonggang nag-meeting sina Senator Grace Poe at PNoy para sa nalalapit na halalan? If you don't know mga shupatid, sa maikling panahon lang ay halos makapantay na ni Grace Poe si VP Binay sa iba't ibang survey for the next president. Oh, I love it! Sana magtuluy-tuloy ang pag-angat niya. Mas gugustuhin ko na siya kesa naman kay... hhhmmm... I'd rather keep my mouth shut! TBH, bet ko pa rin si Mar Roxas to be our next president. 'Yun lang, medyo tagilid pa siya sa survey eh.


Aminin man natin o hindi, malaking impluwensiya sa decision making natin ang mga naglalabasang survey. Kung naaalala niyo, #1 palagi noong 2010 elections si Manny Villar. Bentang benta sa mga Pinoy ang rags to riches niyang istorya hanggang sa naglabasan ang iba't ibang kontrobersiya. Hind siya tinantanan hanggang sa todong sumemplang siya.

Inamin naman ni Sen. Grace na baguhan pa lang siya at wala pa masyadong karanasan. Don't you just love her honesty? Napaka-classy ni ateng 'di tulad nung isang ka-batch niya, nanalo lang dahil sa pangalan pero kapag ini-interview - puro satsat, walang sustansya. Sino tinutukoy ko? Aba, manood na lang kayo ng balita at sure ako, hindi kayo mahihirapang hulaan ang sagot. CHAROT!

5 comments:

Edgar Portalan said...

Ha ha sino tinutukoy mo ateng na puro satsat wala namang kuwenta di ko magets ? Eh pare pareho kasi silang ganyan eh ha ha ha

Melanie said...

Teh Edgar, natawa ako sa comment mo. Madalas nga, ganun sila ahahaha!

Anonymous said...

Gusto ko rin si Sen. Grace Poe. Malumanay pero matinik! Nakita ko na siya sa isang forum, ang galing niya at matalino siya!

Anonymous said...

bakit mo bet si mar roxas teh? anong meron sya? ako wala ko bet kahit sino pang nagsisilabasang presidentiale candidates ngayon pero sa ngayon, kahit sino na wag na wag lang si nog nog. never ever kong bet yang feeling bait baitan yun pala uber sa pagiging corrupt. wala na talaga pag asa pinas ateng, super. si poe honestly, di ko bet, parang wala ding alam, baka gawing puppet lang, kumbaga aanga anga pa.

Anonymous said...

Si nancy binay yun

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...