Sunday, July 5, 2015

Sofia and Drew

May fina-follow akong dalawang beks sa Facebook kasi todong nakakaaliw ang kanilang mga post.

Sikat na sikat ngayon si Maria Sofia Love dahil sa mga videos niya kung saan rumarampa siya sa kalsada ng London. Modelling para sa ekonomiya ng Pilipinas! Pak! Laban! Ikot! 24/7 modelling. Ganun! 'Yan ang madalas niyang expression na ginagaya at trending na sa ngayon. Pati nga si Heart Evangelista, fan niya. PAK!


Posted by Maria Sofia Love on Tuesday, June 9, 2015

Sa mga videos niya, kung sinu-sino ang kinakausap at binabati niya. May mga pogi pa siyang kini-kiss. Favorite ko kapag may nakakasalubong siyang kagang o police officer. Minsan, basta na lang niya kakausapin 'yung mga driver ng kotse. Ayaw daw niyang sumakay sa tuktok o side car kasi doon daw siya naholdap.


Ito na po one on one with dyesebel for floyd Lagoottt ka floydddd #humanproud
Posted by Maria Sofia Love on Saturday, June 27, 2015

Love na love ko siya kasi hindi lang siya puro kalandian. May mga comment din siya about kay PNoy, Binay at pati Abu Sayyaf. Lagi niyang hinahabol itong dragela sa isang bar na pinangalanan niyang Dyesabel tapos lagot daw si Floyd Mayweather.

***

Pagka-pogi nitong si Drew Olivar AKA Boy Landi. Boses kiki siya sa mga videos niya. Okray si bakla pero brainy at may sense mag-comment. Una ko siyang nakilala nang i-share ni sissy Geena Rocero ang video niya about the difference ng crossdressers sa transgenders. Nakaka-bilib ang knowledge niya about SOGIE or Sexual Orientation and Gender Identity and Expression.


Realtalk muna po tayo. Ayaw ko ulit magpatawa.. Isang report nanaman ang natanggap ko about sa DISCRIMINATION SA TRANSGENDERS Ishare at iLIKE po natin ang video na ito kung gusto nyo pa ako tumalak at okrayin si TIM YAP!!!
Posted by Drew Olivar on Monday, June 22, 2015

Hiling niya na ma-feature siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Ewan ko lang kung seryoso siya o joke lang. Alam niyo naman ang show na 'yan, lahat ng trending ipinapalabas. As of writing, halos aabot na sa 120K ang followers niya at madami na rin ang nanonood at nagshe-share ng videos niya. Konting tiyaga lang at bonggang mapapansin din siya ng staff ni Madam J.

7 comments:

Edgar Portalan said...

Wow ,mafollow din nga ito sa internet, sounds interesting , ako rin gusto ko maifeature sa KMJS , feeling hopeful ha ha ha #librelangmangarap : )

Anonymous said...

Sofia is funny kaya lang sobrang retoke ang ilong.

Anonymous said...

tuwang tuwa ako kay maria sofia love, laging bangag ang peg. tapos yung hinahanap nya si binay na video, nakakatuwa. yung nahanap na daw nya si binay, umiinom ng red horse lol

Melanie said...

-Teh Edgar, sana nga ma-feature ka sa KMJS since mahilig din si Madam J sa kainan. Pwede rin sa Kris TV ♥

-Teh Anonymous 1, bongga naman ang effect ng retoke sa kanya. Dyosang dyosa!

-Teh Anonymous 2, may video nga siya na 'di siya pinapasok sa bar sa sobrang bangenge niya ahahaha! Gotta love her!

Anonymous said...

Teh dati pina follow ko din si boy landi pero unfollow ko na para kasing galit sya sa mga pa mhin ano problma nya kng ayaw namin mg ladlad. Bakla din yang boy landi na yan

Anonymous said...

bakla ba talaga si drew olivar?

Anonymous said...

Naku Teh Melanie, wala silang panama sa iyo. Ikaw, moviestar na (Kape Barako), sila, hanggang Facebook lang! Hahaha

-Ate Ken

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...