Thursday, September 24, 2015

Altarejos Cinema Experience

Unfriend poster
Kajujuwelay ko lang mula sa Altarejos Cinema Experience na ginanap sa UP Videotheque. Naabutan kong nagdi-discuss si direk Joselito Altarejos habang pinapalabas ang pelikulang Unfriend. Hango ito doon sa teenager na binaril ang jowa niya sa isang mall bago nagpakamatay. What a tragic movie mga ateng! Hindi kinaya ng puso ko. 

Director Jay Altarejos
May mga estudyante at manonood na kinausap at nakipagpalitan ng opinyon kay direk. Very intimate, entertaining but most of all, educational. Direk Jay is very articulate when it comes to delivering his side. Nga-nga akez! Very deep but understandable.

Ang Lihim ni Antonio poster
International Best Actor awarding
After Unfriend, pinalabas naman ang pinakapaborito kong gawa niya, Ang Lihim ni Antonio. I think kahit tumanders akez, wit ako magsasawa na panoorin itey. Malinis ang pagkakagawa, relatable ang istorya, magagaling ang mga nagsipagganap at ang sasarap ng kangkingan scenes. Dumating pa ang lead actor na si Kenjie Garcia na todong wafu at bango sa personal. Wit na aketch nahiya at nagpa-selfie na. I look familiar daw. AY! Baka napanaginipan niya na ako. CHAR! It was about the LoveYourself photoshoot na pareho naming dinaluhan a few years ago. Iniabot sa kanya ang best actor award na napanalunan sa isang international film festival. 

Nasobrahan sa filter ahahaha!
If you wanna look back to quality gay indie na gawang Pinoy, I highly suggest you attend this bonggang experience. Madami kayong matututunan. Here's the schedule:

September 24, Thursday - Sociopolitics in Pink Cinema
2:30 PM | Ang Lalake sa Parola
5 PM | Ang Laro sa Buhay ni Juan
7 PM | Kasal

September 25, Friday - New Experiments. New Wave. Revaluation
2:30 PM | Kasal
5 PM | Laruang Lalake
7 PM | Preview of New Feature (Siklo)

Ticket price is 100php per movie.

3 comments:

Anonymous said...

sana i release naman sa dvd yung UNFRIEND gusto ko mapanood yun.

AnonymousBeki said...

Ibang level ka na talaga Madame! Mga directors at celebrities na ang nakakadaupang-palad mo. Ikaw na!

P.S. Bet ko po sana na every time na may new post ka ay mare-receive ko ito sa aking email. Please Ms. Melanie, 'pag may time ka paki-add naman po ang email ko.
Just visit the "Blogger.com".
Go to Settings > Mobile and Email. Then may makikita ka pong box (may label na Email post to). Dun niyo po isulat yung email ko na anonymousbeki@gmail.com

Thanks in advance. More power!

Altarejos said...

MARAMING SALAMAT!- altarejos

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...