Tuesday, September 1, 2015

Exclusive and Intimate

Archie Del Mundo, director of Taksikab and Ang Misis ni Meyor invited me to attend the bloggers night of Jay Altajeros, the director behind masterpieces Ang Lihim ni Antonio, Laruang Lalake and Kambyo. Magsama daw me ng isa pa. Luckily, Shy Sayno of shysayyes.wordpress.com was available. Salamat sa promo ng Grab Car at limang piso lang ang binayad namin from Eton Centris to Capitol Hills.

Bb. Melanie, Sweet, Jay, Max and Shy
It was a condo unit and the place was ultra cozy.May nude painting sa dining area, may DVD, CD at book rack sa kanan, at may bonggang malaking bintana sa sala. Sa mga pet lovers, may cute dogie at super lusog cat na alaga si direk. Medyo umaambon nang kami ay dumating kaya malamig ang hangin. 

Ang tunay na Doble Kara
I've blogged most of the gay indie films directed by Jay Altajeros. May mga original DVDs pa akez. Sayang at hindi ko nadala para papirmahan. Next time na lang! He welcomed us with a very warm smile. Agad-agad nagpakuha ng beer at pulutang mani. Chika-chika muna about the INC protest at ang matinding traffic sa EDSA then his early works, his super busy schedule, future projects and recent achievement sa Cinemalaya X. Nanalo lang namang Best Film ang Kasal, starring Arnold Reyes and super cutie Oliver Tolentino. Never had a chance to watch that film last year. The bloggers night was more like an exclusive and intimate film showing. We have the option to pause the movie and ask him questions. Bonus na dumating pa si John "Universal Sweet" Lapus at ang film critic na si Max Tessier.

Shy and I was in awe while watching Kasal. Informative, napapanahon at tradisyonal. Not your typical gay indie film. Of course, there is a sex scene or else, magwawala ako. CHAROT! But more than that, it was the story that got me interested. 

Nagsimula ang istorya sa pangangaliwa ni Paolo (Aquino). Huli ka bakla with matching picture kaya walang kawala. Nagkabati din naman eventually at nagkangkingan. SARAP! Bet nang magpakasal ni Paolo pero wititit si Sherwin (Reyes). May agam-agam si fafah dahil bukod sa abogado, may konserbatibong pamilya sa probinsiya at may pinangangalagaang image. Tsaka 'di pa siya maka-move on sa kalandian ni jowa.

Akala ko noong una, sila ang ikakasal. 'Yun ang nasa title eh. Wit pala! Kasal pala sa probinsiya ng kapatid ni Sherwin ang nasa pelikula. I liked how they showcased it. Pinoy na pinoy! Umaga ang simula, natapos kinagabihan. Todo ang handaan, may marching band pa. Happy ending siya actually pero na-sad ako. You wanna know why? P'wes panoorin niyo. PAK!

Max, Jay, me and Archie
After the movie, we had another talk with direk. He seems very proud of Kasal at bakit hindi, bukod sa Best Film at nakuha din nito ang Best Cinematography, Best Musical Score and Best Production Design awards. Medyo naubos ang brain cells ko sa smart talk with him. He's very engaging, walang kebs sa pagsagot ng tanong and very enthusiastic sa mga aspiring directors. This is why hindi ito ang last bloggers night ni direk. Masusundan pa! If you're interested to attend, send an email to taksikab@gmail.com for more info. Direk Jay Altajeros is a good host. May pa-laps at pa-wine. SHALA!

The Best Film award. Ang laki at gara niya!
Next month, his films will be shown in UP Video Theque. He wants to know the opinion and voices of the people who supports his film. This is a nice gesture from a director dahil diretsahan niyang pakikinggan ang boses ng manonood. I love it! Here are the details:

When: September 23, 24 and 25
Where: UP Video Theque
Films to watch: Laruang Lalake, Lihim ni Antonio, Pink Halo-Halo and more!

4 comments:

Anonymous said...

Bongga ang evening mo Day. More power to you and the good director.

Edgar Portalan said...

Nice Melanie , rubbing elbows with the rich and famous he he ... ikaw nah talagah he he : )

Anonymous said...

swerte mo, sayang wala sa dvd yang KASAL

AnonymousBeki said...

Bongga ka Bb. Melanie. It is such a big honor for you to meet a great director like him.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...