Saturday, October 17, 2015

Ginugol

Pasensya na mga ateng at hindi ako masyadong active these past few days. Medyo hook na hook ako sa ketay ko kaka-scroll sa FB, Snapchat at IG. Minsan, 'di ko na namamalayan na ilang oras na ang ginugol ko tapos wala namang nangyari. Napasama yata na nagpakabit ako ng unli internet sa balur. Mas keri pa mag-piso net para mas maraming magawa.

Since nasa last quarter na tayo ng 2015 (napakabilis!), sunud-sunod na naman ang paligsahan ng kagandahan at kakisigan all over the world. Can't wait for Mister International 2015 next month! While waiting for that, eto ang ilang good at sad news.

KONGRACHULEYSHONS kay Bb. Pilipinas-Tourism 2015 Ann Colis dahil siya ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng Miss Globe crown. Iba 'to sa Miss Globe title ni Maricar Balagtas noong 2001. 42 years na pala ang pagandahan na itey pero first time ni Madam Stella na magpadala ng dilag. For the past years, kadalasan ay Euro beauties at nagwawagi kaya todong nakakaproud na Pinay ang nakoronahan.

Kasalukuyan namang lumalaban sa Thailand ang Bb. Pilipinas-Tourism 2014 winner na si Parul Shah para sa 3rd edition ng Miss Grand International. Infairness sa beauty pageant na itey, bongga ang production, coverage at treatment sa mga bilatsina. More fun, food at activities ang nakikita ko sa Missosology at Facebook page. Maganda pala talaga 'pag pinaghalo ang lahing Pinoy at Indian ala-Venus Raj. Lakas maka-Nicki Minaj ng fes nitong si Parul oh! Let's pray for her victory and I know she'll make us proud!

Nakalulungkot na balita mga ateng. Pumanaw na ang Miss Tourism International 2012–2013 na si Rizzini Alexis Gomez sa edad na 25. She was diagnosed with lung cancer in 2014. Eto ang dahilan kung bakit hindi niya personal na naipasa ang korona sa kapwa Pilipina na si Angeli Gomez

Beauconerang maituturing si Rizzini. First-runner up siya sa Miss Cebu 2009 kung saan si Kris Tiffany Janson ang nanalo. Sumali ng Miss World Philippines 2012 bago nakamit ang korona ng Mutya ng Pilipinas 2012.

My condolences to Rizzini's family and friends. 

1 comment:

AnonymousBeki said...

Bongga ng Philippines! First time isinabak pero nanalo agad. Ganda ng pinay lang pala ang hinihintay sa pageant na 'yan. Congratulations!

So sad for Rizzini Alexis Gomez. May she rest in peace.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...