Friday, October 30, 2015

Saliwa

Ilang araw na akong nagbabaon ng lunch sa office. I don't usually do this kasi hindi ko nakalakihan. Palaging anda ang pabaon ni mudra noon sa school at sa canteen o tindahan ako bumibili ng makakain. Bakit ngayon ko lang 'to ginawa? Una, gusto kong makatipid. Ang mahalya fuentes ng mga fudang sa pantry. Halos doble kung sa karinderia ka kakain tapos wala pang libreng pasabaw. Pangalawa, eto ang mas importante, lumalaki na ang chanda romero ko. OMG!

Noong early 20's, kahit anong lafangin ko, wit talaga ako tumataba! Simula nang tumuntong ako ng 27 or 28, parang nagkakabilbil na akez, which is fine with me kasi first time kong maranasan. Akala ko lilipas lang din. Pero nag-overstay ang gaga at parang nag-aya pa ng tropa. Until one day, hindi ko na masara ang butones ng pantalon ko. Kinailangan kong sinturunan to make sure witchels akong majubaran in public.

A few weeks ago, nagkaroon ng wellness talk itong si Chad Davis sa office. Kung sa BPO industry ka nagwo-work, todo ang stress dahil sa demands ng trabaho. Idagdag mo pa ang pabago-bagong schedule. You really have to prioritize your health more than anything else. Medyo na-alarm ako kasi nasa lahi namin ang mga sakit like high cholesterol, high blood at diabetes. Nakaka-pulubi ang maintenance kung magkakaroon ka nito kahit pa sa Generika ka pa bibili.

So ano bang binabaon ko? Dalawang nilagang itlog at hiwa-hiwang pipino at kamatis. Nilalagyan ko na lang ng salad dressing para magkalasa. Mangiyak-ngiyak at masuka-suka ako noong una but I'm getting used to it. I'm no pro when it comes to nutrition and health, but I guess, this is a good start. Infairness naman, noong isang araw eh naisara ko na ang butones ng pantalon ko. And I'm not doing this para lang magpapayat o magpasexy. Bonggang makakatipid ako kung magbabaon at magbabawas ng bewang. Mahal kasi kung bibili ako ng mga damit with new measurements, de vaaahhh?!?

Anyways, saliwa ang kwento ng dalawang ito sa kinuda ko. Alamin ang kwentong pag-ibig nina Ched at Jun na likha ng batikang komiks writer na si Tony Velasquez.

Magmahalan sa Kapayatan o Katabaan
by Tony Velasquez
Illustrated by Angel B. Magpali
Love Story Illustrated Weekly Magazine
Abril 4, 1983
Blg. 602

2 comments:

  1. Madam melanie. Good Day! Pwede po na mag request na mag post kayo ng tips na SPA na may extra service? Kailangan na talaga madiligan ang aking bulaklak! hakhakhakhak. Nalalanta na madam! Tigang much ba po! Slaamt and God Bless!

    ReplyDelete
  2. Ako naman ang problema ko ay kung pa'no tumaba. Kahit anong kain ko ay parang tingting pa rin ako. Tangkad lang ako ng tangkad pero di lumalaki.

    Infuhrnez, ang kyut ng istorya.

    ReplyDelete