Wednesday, November 18, 2015

Basic

Trending na balita ngayon si Alma Moreno. I bet most of you ay napanood na ang interview niya with Karen Davila sa ANC. If not, here's the video...

TBH, hindi ko muna pinanood nang buo kasi unang bahagi pa lang, ang sakit na sa puso. Tapos kanina sa opisina, together with some officemates, ay pinakinggan namin. OMG! I can't believe that she's really running for the senate. I mean, ang basic lang ng mga tanong ni Karen Davila - RH bill, anti-discrimination bill, BBL, political dynasty and Alma's reason for running. Wala ni isa diyan ang sinagot niya ng deretsahan with strong conviction and credibility. Are we going to shade the circle beside her name come 2016 elections?

May pumuna rin sa paraan ng pagtatanong ni Karen. Unprofessional daw at medyo nagmatalino si ateh. ABA! Alangan naman magtanong siya tungkol sa pamilya at buhay pag-ibig ni Ness? Senator ang inaasam niyang posisyon, hindi muse ng barangay. Siyempre, dapat napapanahon at may kinalaman sa batas at paggawa nito, noh?! How I wish mag-guest din dito si Manny Pacquiao and other candidates nang magkaalamanan na.

Oo nga pala, she's running under United Nationalist Alliance (UNA), ang political party ni VP Jejomar Binay. ALAM NA!

10 comments:

Anonymous said...

Hopeless Pinas with this quality of senatorial candidate. Nakakahiya.

Anonymous said...

parang sumasagot nga lang sya sa isang presscon ng pelikula

Anonymous said...

Ano ang batayan, matalino at marunong mag explain or yong boba na may kakayahang tumulong?

Anonymous said...

Ang batayan ay yung may alam sa isyu ng lipunan at may konkretong plano para solusyunan ang mga problema ng bayan. Tumulong sa pagpasa ng mga batas para sa sustainable at long term na pagbabago at hindi panandalian lang.

loufivics said...

parehas tayo mare. sakit sa puso. d ko tinapos. nakakaawa sya. forever n sya katatawanan sa net. wakeup call n sa kanya to. wag na ate alma . tumulong k n lang sa ibang paraan. kung ayaw mo papigil . masasampal kita. Gagah!!!!

Anonymous said...

she came in UNPREPARED... and that's Alma's downfall. Kudos sa pag interview ni Karen, kasi at some point she made the interview light, yung parang nagkukwentuhan lang sila ni Alma...

Anonymous said...

eto na naman yung mga palusot ng mga BOBOTANTE eh kaya meron tayong mga opisyal na hangal...

Anonymous Anonymous said...
Ano ang batayan, matalino at marunong mag explain or yong boba na may kakayahang tumulong?

November 18, 2015 at 5:59 PM

Anonymous said...

clearly she's running for the senate. you should at least the basic issue, not that she is 'boba' but she needs to answer questions with confidence, her opinion perhaps. She never answer them. She is in Headstart not in The Buzz. Lastly, she couldve been a good example by at least answering the question in the best way possible. First impression lasts. ��

Anonymous said...

Ateng Melanie! Mag comment ka naman about sa all filipina girl group na 4th Impact sa X factor UK.

AnonymousBeki said...

Grabe ang tawa ko nung napanood ko 'yang interview. hahaha
‪#‎RIPSenate2016‬

Tama lang naman yung ginawa ni Karen. I see nothing wrong with how she asked those questions. What she did is just for us to know if Alma is really deserving for our vote or not. Based on what we saw, alam na natin ang sagot.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...