Sunday, November 8, 2015

Miss International Queen 2015 and Miss International 2015 winners

Sa huling dalawang buwan ng taon, ratsada ang iba't ibang pageant sa iba't ibang panig ng mundo. The more, the merrier! Dahil likas tayong competetive at mahilig sa pagandahan, hindi rin nakapagtatakang angat tayo sa karamihan.

Photos courtesy of EPA/Mail Online
Let's KUNGRACHULEYT Trixie Maristela for winning Miss International Queen 2015. Out of 26 candidates, siya ang nakapag-uwi ng koronang minsan nang naisuot ni Kevin Balot. Si Miss Brazil ang 1st runner-up at si Miss Thailand ang 2nd runner-up. Pati placing noong 2012, parehong pareho!

Bukod sa ganda at rampa, todong nagpanalo sa kanya ang kudaers niya sa Q&A.

Q: How do you compare beauty inside and beauty outside?

A: Beauty from the inside starts from the heart. But beauty from the outside is just a physical appearance. In the end, what matters is that your beauty in the inside will radiate outside. Because a true queen does not want just a beautiful face or a gold... golden crown. But a true queen also possess a golden heart. 

Tila nga naulit ang eksena sa Miss Gay Manila 2015 dahil kasali din dito si Super Sireyna 2013 Francine Garcia. Hindi man nakapasok sa top 3 ang byuti niya, at least, pumasok pa rin sa top 10 together with another Transpinay, Michelle Binas.

Janicel Lubina in National Costume competition
Isa pang dapat ipagbunyi ang PAK na PAK na performance ni Janicel Lubina sa Miss International 2015. From national costume, swimsuit, evening gown hanggang final speech, napahanga niya talaga ang mga pageant fanatics. Nakapasok siya sa top 10 at nanalong Miss Best Dressed which is equivalent sa Best in Evening Gown. Ang bongga naman kasi ng obra maestra ni Leo Almodal. I can't help myself but to compare it sa pamosong gown na isinuot ni MJ Lastimosa sa Miss Universe. See for yourself...

Oh de vaah?!? Parang may pagkakatulad pero ang laki ng agwat kung disenyo ang pag-uusapan. Nako Madame Stella huh, nakakadalawang award ka na from Pinoy fashion designers kaya kapag moment na ni Pia sa Miss Universe, dapat ganito rin kabongga! 

Miss International 2015: Venezuela
1st runner-up: Honduras
2nd runner-up: Kenya
3rd runner-up: Vietnam
4th runner-up: USA
Si Miss Venezuela Edymar Martinez ang nakapag-uwi ng korona. Pang-pitong MI crown na nila 'yan! Mas natuwa ako na for the first time, may African candidate na naging runner-up, si Miss Kenya. Tsaka eto rin ang highest placement ng Vietnam bilang 3rd runner-up.

KUNGRACHULEYSHONS SA LAHAT!

4 comments:

Anonymous said...

Thank you for featuring my cousin Trixie. More power to you, Bb. Melanie. Been a fan of your blog since 2011. Cheers!

Anonymous said...

buti di nanqlo yung mayabang na francine lol

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, thanks so much for the support! Send my greetings to your cousin. She really made us proud! ;)

-Teh Anonymous 2, ay talaga?! Mayabang ba si Francine?

AnonymousBeki said...

Umaariba na naman ang byuti ng Pinay. Nakaka-proud! I like Madame Stella na talaga. Super thank you sa kanya.

Maybe kaya may nagsabing mayabang si Francine ay dahil oozing with confidence kasi siya which I think, for some, they find her mayabang. Depende na ata sa observer. But for me, hindi naman.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...