Wednesday, December 16, 2015

Kagabi

Araw ng sweldo. May bagyo. Nag-antay nang matagal sa bus. Naulanan. Nanalangin. Na-traffic. Nasaraduhan ng MRT. Nagmura. Hindi alam kung anong gagawin. Bumili ng salad at tsokolate. Kumain sa harap nang maduming lamesa. Naglakad sa gilid ng truck ng basura. Nakakita ng batang nagbebenta ng sampaguita. Hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa EDSA. Amoy ipis ang kanal. Nakakita ng masasakyan. Tumabi sa lalaki. Nakinig kay Adele. Lumakas ang ulan. Nagbasa ng nobela ni Rose Tan. Naumay sa tsokolate. Hinubad ang masikip na sandalyas. Nakatanggap ng text. Suspendido ang klase ni Justine bukas. Alas diyes ako lumabas. Nakauwi ng alas dos. Maraming pang ganito sa susunod. Mas mahirap pa. At least na-survive ko ngayon. Iyon ang mahalaga.

Goodnight.

4 comments:

Anonymous said...

walang booking? boooring

Anonymous said...

ateng i miss your stolen or raw picas of guys na.

Anonymous said...

Kuha na lang ng Ninja Moves pics ng cuties!

Advisable na talaga na manirahan sa Probinsya. Laspag na laspag na ang Metro Manila

Anonymous said...

Teh di ka nagpopost ng nga stolen shot mo ng mga yummy na boylet

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...