Friday, January 1, 2016

Samahan

2016 marks our 6th year anniversary. TAGAY TAYO, MGA 'TEH! Mula sa kailaliman ng aking pukersha, ako'y todo-todong nagpapasalamat at sinamahan niyo ako. We've come a long mula sa simpleng pagbahagi ng opinyon noong nakaraang presidential election hanggang ngayon na magpapalit na tayo ulit ng pangulo. Andiyan kayo para makipagbalitaktakan, makialam at makigulo. Kasama ko rin kayo sa pagiging mature sa paghandle ng isyu. Kung dati ay ang dami nating sinasawsawan, ngayon ay piling pili na.

***
Karamihan sa atin ay may New Year's Resolution tuwing magpapalit ang taon. Pero natutupad ba? Ako... HINDI! I attended a mass kanina with mudrakels and pamangkin. Sinabi ni Father na hindi enough ang resolution, dapat samahan ng aksyon. For example:

Mag-aaral na ako nang mabuti
VS. 
Babawasan ko ang pagfe-Facebook para makapag-aral nang mabuti

May tama si Father! 'Wag puro pangako. Binalak kong isulat ang dapat kong baguhin ngayong taon pero nawalan ako ng oras. Bakit? Kasi adik sa kaka-scroll ng Instagram at Facebook feed. Dinagdagan pa ng Snapchat. 'Yung sasabihin kong sandali lang at baka may update, NAKA! Isang oras mahigit na pala ang lumipas. Pansin ko nga, kumonti ang mga librong nabasa at pelikulang napanood ko dahil dito. I think I should limit myself in this or else, baka ma-rehab akez. CHAROT!

6 comments:

Anonymous said...

Madam. Remember your post about a certain taxi driver na cute and kinuhanan mo pa ng picture? Naku, may nag claim na siya daw ang kumuha nun at nakiyeme pa niya. He even put a watermark on it. You may check jhairo cute pinoy portal website so that you would know

AnonymousBeki said...

Happy 6th year anniversary sa blogey mo Bb Melanie! Congratulations for making it this far. I just want you to know na isa ka talaga sa mga bloggers na nakapagpa-inspire sa akin para gumawa din ako ng sarili kong blog. In fact, pati yung template ng blog ko (which is Picture Window) ay inspired din sa blogelya mo. So please don't stop blogging because we are all looking forward sa mga new stories na maipo-post mo this year. Nawa'y dumami pa ang iyong readers. Cheers!

Anonymous said...

Happy New Year Ms. Melanie! More blessings to you and your loved ones. PS. Salamat sa direction sa Bookends :)

Anonymous said...

Ms. Melanie I suggest that you report that blog for copyright issues or plagiarism. He used your photo for his personal gain. Nakakahiya siya. I am also reporting his fb account sa facebook para ma block siya.

Anonymous said...

Ang bilis nang panahon. Happy New Year! I hope more success to you and your blog in 2016.

Simon said...

Happy New Year :) Hope to read more from you this year and happy Anniversary :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...