Monday, March 28, 2016

Kutitap

Back to work work work work work tayo this day. Pwede bang hindi na lang? Kaya lang, baka gutom ang abutin natin. Magpasalamat tayez at may work work work work work tayo na pinagkukuhanan ng kaperahan. Lakas maka-LSS nitong si Rihanna eh.

Matatapos na ang 1st quarter ng 2016 at sure na ang pagpasok ng summer with El Niño. Todong magpapawis ang kili-kili at kasingit-singitan natin so make sure you add extra layer of deodorant at more pulbo sa fes. Baka mapagkamalang Petron ang mukha natin. KALOKA! 

The cocktail glamshots of Binibining Pilipinas 2016 are out and as expected, ang daming magaganda. Parang inihalintulad ang konsepto sa Fadil shots noong Miss Universe 2015. Makinang at kumukuti-kutitap. May budget! Kung laging ganito ang handa mo sa amin, Madame Stella, talagang mamahalin ka namin at bonggang papalakpakan sa finals night. Wala nang magbu-boo. 

 Kylie Versoza and Nichole Manalo

 Nicole Cordoves and Christianne Ramos

 Dindi Pajares and Paula Bartolome

 Kim Penchon and Maxine Medina

Kristine Estoque and Apriel Smith

From swimsuit to cocktail shots, consistent ang ibang girls sa aurahan like Nichole Manalo, Maxine Medina, Kylie Versoza at Nicole Cordoves. Balita ko nga ay pitong korona na ang paglalaban ngayong taon. Of course, pinaka-title pa rin ang Miss Universe-Philippines. Isa kaya sa mga babaeng nasa itaas ang makakapag-uwi niyan? 

1 comment:

Anonymous said...

Ikaw na ubod ng ganda teh! Hiyang hiya naman kami sa iyo!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...