Monday, May 2, 2016

Bb. Pilipinas 2016 and Century Tuna Superbods 2016 winners

Maxine Medina
Miss Universe Philippines 2016
Huli man at magaling, maganda pa rin! KUNGRACHULEYSHONS kay Maxine Medina, our representative to Miss Universe 2016. She's from Aces & Queens, the same camp that trained Pia Wurtzbach, Ara Arida, Janine Tugonon, Shamcey Supsup and Venus Raj. She's not my top favorite but I like her beauty. Ibang-iba kay Pia na halatadong may foreign blood. Si atih ay mukhang Tsinita-Filipina.

Miss Universe Philippines 2016 - Maxine Medina
Bb. Pilipinas International 2016 - Kylie Verzosa
Bb. Pilipinas Intercontinental 2016 - Jennifer Hammond
Bb. Pilipinas Supranational 2016 - Joanna Eden
Bb. Pilipinas Globe 2016 - Nichole Manalo
1st runner-up - Angelica Alita
2nd runner-up - Jehza Mae Huelar
Anim na korona ang pinamigay ni Madame Stella Marquez-Araneta. Nawala man ang Miss World franchise sa kanya, bumongga naman ang pageant at mas madaming beauty queens ang na-produce. Naloka lang ako sa laki ng Grand International at Globe crown. Parang timba levels! I'm sure na hindi tayo bibiguin ng mga bagong reyna at kabahan na ang ibang bansa dahil siguradong malakas ang ating laban this year.

Aside from Binibining Pilipinas, ginanap din last month ang Century Tuna Superbods 2016. Prestigious talaga ang kontes na ito dahil first class ang mga kasaling ohms. 'Di pwede ang mga puchu-puchung kontesero dahil may background check. KALOKA! Parang aplikante lang sa trabaho. Well, dapat lang siguro dahil isang malaking brand ang kanilang irerepresent.

Grand winner ang Filipino-Swedish na si Tom. Mukhang love niya ang Pilipinas as seen on his tattoo. Sakto lang ang katawan niya, hindi masyadong mamaskels at todong matigas. JUICE KOH! Pahingi ngang juice at parang nakahihimatay ang mga titig niya. 

Ang dalawang runners-up ay parehong pamilyar sa atin. Si Clint ay madalas lumabas sa mga TV commercials. Napanood siya recently sa Kapamilya serye na Be My Lady at sa pelikulang Girlfriend for Hire. Asawa naman ni Cristine Reyes itong si Ali. Ang swerti-swerti niya ha! Araw-araw niyang kayakap ang ganito kasarap. 

Sa mga hindi masyadong pinalad, sila ang bet na bet ko...

Young-looking at fresh itong si Erie. Nakita ko na siya during Cosmo Summer Party at talagang mapapatunganga ka sa kanyang dating. Ang tangkad at ganda ng wankata. Sayang at may GF na. Sana isa na lang sa atin. CHOS!

Sumali na sa Mister Chinatown si Jerome. Kung weakness niyo ang mga tsinito, sure akez na maglalawa sa kwarto niyo dahil sa kanyang kagwapuhan. Jowa ni Bb. Pilipinas Intercontinental 2016 Jennifer Hammond itong si Ryan. Nako ha, may korona na, may masarap pang BF! Ikaw na ang pinagpala ateng! Aside from modelling, nagho-host din ng shows si Ryan.

3 comments:

Anonymous said...

diba may mga ganyang beauty na rin tulad ni ni maxine na lumaban pero nganga naman sa miss u? ang pag asa na lang nya ay tayong mga social media freaks at syempre ang mga live audience.

Anonymous said...

Wow everyday may bagong post ahhh! Lubos ang aking galak! We already know these news pero iba parin kung ikaw na ang tumatalakay. More power miss M!

Anonymous said...

Ang hot tlga ng mga century tuna boys teh esp erie at clint..yup tama ka may background check sa screening ng century tuna superbod may mga bikini contesero na rin na sumali jan pero waley sila natanggap like allen molina...
Si Cordoves tlga bet ko for MU pero sadyang grand int'l sya nkatadhana ok nman si maxine gudlak nlng for sana more training sa Qand A kaya nya yan

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...